November 9, 2019 Sa pagnanais na mahikayat pa ang lahat ng kabahayan sa Barangay Mayao Castillo na magtanim ng mga gulay at halaman na mak...
Sa pagnanais na mahikayat pa ang lahat ng kabahayan sa Barangay Mayao Castillo na magtanim ng mga gulay at halaman na makakatulong sa kanila pagdating sa pagkakaroon ng maayos ng kapaligiran at mapagkukunan ng pagkain, isinulong ng pamunuan ang isang programa na susuporta sa naturang layunin.
Dahil na rin isa ang Barangay Mayao Castillo sa pamumuno ni Kapitan Virgilio Garcia Jr. sa mga barangay sa lungsod na napapabilang sa agricultural areas dahil sa yamang lupa nitong tinataglay, hinikayat ang bawat kabahayan sa barangay na magtanim sa kani-kanilang mga tahanan.
Ang bawat kabahayan ay mayroong pagkakataon na makilahok sa programa sa pamamagitan ng paglalagay ng sari-sariling taniman o gulayan sa kani-kanilang bakuran.
Kamakailan nga lang, magmula ng ilunsad ang proyekto ay nakapili na ang sangguniang ng mga nanalong may pinakamagandang “gulayan sa bakuran” kung saan ang mga ito ay binigyan ng pagkilala at ginawaran ng sertipiko.
Napili ang pitong kabahayan mula sa pitong purok sa barangay na siyang magiging pangunahing modelo ng iba pang mga tahanan para sa pakikiisa sa programang “gulayan sa bakuran”.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin naman ang pagsusulong ng pamunuang barangay ng mga pangkapaligirang programa tulad ng clean-up drive at ng “basura mo palit ng bigas ko” project ng sangguniang kabataan.. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments