Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga pangunahing programa ng Alona Partylist, arangkada na

by Nimfa Estrellado November 2, 2019 Congresswoman Anna Villaraza-Suarez ng ALONA Partylist kumatawan sa Pilipinas sa “ 1st South-East...

by Nimfa Estrellado
November 2, 2019

Congresswoman Anna Villaraza-Suarez ng ALONA Partylist kumatawan sa Pilipinas sa “ 1st South-East Asia Inter-Parliamentary Meeting on Implementation of Sustainable Development Goals" na ginanap noong ika-2 ng Oktubre sa United Nations Conference Center, Bangkok, Thailand.

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Arangkada na at puspusan nang isinasagawa ang mga pangunahing programa ng Alona Partylist na pinangungunahan ni Congresswoman Anna Villaraza-Suarez.

Handog ng ALONA Partylist na pinapangunahan ni Congw. Anna Villaraza-Suarez ang isang bagong tricycle sa Brgy. Camaysa, Tayabas, Quezon na siyang magsisilbing tagapag-patrolya upang panatilihin ang kaligtasan sa kanilang nasasakupan.

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isa sa mga pangunahing hangarin ni Congw. Anna ay masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan ng bawa’t barangay sa lalawigan ng Quezon, kaya naman sinisikap niyang matugunan ang pangangailangan upang maisagawa ito.

Nito lang nakalipas na 2 linggo, nagkaloob ang Alona Partylist sa pangunguna ng maganda at mabait na’y magaling pang Congw. Anna ng tig-isang bagong tricycle sa Brgy. Camaysa, Tayabas, Quezon; Brgy. Kanlurang Malicboy, Pagbilao, Quezon; at Brgy. Manggalang Tulo-Tulo, Sariaya, Quezon upang magamit ng mga tanod sa pagpapatrulya at mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng barangay.

Bukod dito sa nabanggit, nagkakaloob rin ng tulong medikal para naman sa kalusugan ng mga tao si Congw. Anna at ang kailangan lang ay magtungo sa district office ng Alona Partylist.

Ayon naman sa Alona Partylist District Coordinator ng Unang Distrito ng Quezon, nitong nakalipas na Oktubre 21, 2019 nagtungo sila kasama ang Aniko Farm sa Panukulan, Quezon.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa pangunguna ni Mayora Len Conchada Mitra at sa kapahintulutan ni Mayor Alfred Rigor Mitra at ng pangulo ng Kalipi Ma’am Tessie, ay nagdaos sila ng mga sumusunod:

 ALONA Partylist Rep. Anna Villaraza-Suarez at Quezon Province 2nd District Cong. David Suarez sa isang consultative meeting kasama sina TESDA Region IV-A Regional Director Florencio Suñico, Jr. at P/B Gen. Maria Asuncion Dela Paz Placino upang pag-usapan ang mga epektibong programang tutulong sa "anti-insurgency program" ng gobyerno.

1. Oryentasyon para sa Lemongrass Livelihood Project Kasama ang mga miyembro ng KALIPI, RIC, Brgy. QIK Coor.

Napagkasunduan pa ang 2 araw na pagdalaw ng Aniko Farm at para sa Benchmarking ang unang araw.

2. Training sa paggawa ng bar soap, liquid soap, at shampoo sa pamamagitan ng lemongrass sa ikalawanag araw.

Ang 2 araw na pagsasanay ay isasagawa ngayong Nobyembre sa Aniko Farm, Candelaria, Quezon.

Kaya naman, ang mga taga-lalawigan ng Quezon ay labis-labis ang katuwaan at taos-pusong nagpapasalamat kay Congw. Anna.

Tunay naman, ang Serbisyong Suarez, mahusay na, matino pa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.