Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Nilalaman ng PPMP, inilahad ng popcom

November 16, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Kasabay ng pag-oorganisa at pagsasagawa ng Commission on Population ng iba’t ibang programan...

November 16, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Kasabay ng pag-oorganisa at pagsasagawa ng Commission on Population ng iba’t ibang programang tutulong sa mga pamilyang Pilipino na mas magkaroon ng kaalaman sa tamang pagpaplano ng bubuuing pamilya, inilunsad din ng nasabing tanggapan ang Philippine population management program o PPMP.

Ang PPMP ang itunuturing na mapa na siyang gagabay pagdating sa suliranin hinggil sa populasyon at kaunlaran. Hinihikayat kasi ng programang ito na maging matalino ang bawat mag-asawa pagdating sa family planning na siyang tutugma sa kanilang kakayahang pinansyal, sikolohikal at pisikal. Ika nga, ang maunlad na bansa ay nagsisimula sa planadong pamilya.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Tila isang cycle naman ang ipinakitang deskripsyon ng Popcom para sa PPMP. Nakasaad dito na dahil sa maayos at pinagplanuhang bilang ng miyembro ng bawat pamilya, makakatulong ito sa pagkakaroon ng masayang komunidad na siyang magbibigay dahilan naman para mapataas ang pagkakataon ng bawat mamamayan na mas paunlarin pa ang kanilang mga sarili.

Sa pagkakataong ito, uusbong ang maganda at maayos na imahe ng isang pamayanan at posibleng tumaas ang bilang ng job opportunities and services at mas mapapaigting ang aspeto ng edukasyon. Gayundin, binibigyang halaga rin sa programa ang responsible parenthood and family planning, adolescent health and development na gagabay sa mga kabataan, population and development integration at empowered Filipino families. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.