Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Oplan Tokhang SSS Style, isinagawa sa Batangas

by Mamerta P. De Castro November 23, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Tinaguriang Oplan Tokhang SSS Style, nagsagawa ng paghahain ng warrant o...

by Mamerta P. De Castro
November 23, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - Tinaguriang Oplan Tokhang SSS Style, nagsagawa ng paghahain ng warrant of arrest ang Batangas City PNP sa isang business establishment sa Rizal Avenue sa lungsod na ito noong Nobyembre 6 bunsod ng paglabag sa batas ng SSS.

Sinabi ni Atty. Marc Villanueva, acting head SSS Luzon South II Division Legal Department na Oplan Tokhang SSS Style ang naging tawag dito dahil sa binisita muna ng mga kawani ng SSS ang mga establisimyento upang paalalahanan na tumalima sa SSS Law at makakasuhan kung sakaling hindi sila susunod.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Sa naging operasyon, lumabag ang establisimyentong Tatakan ni Toto, isang T-shirt printing shop na pagmamay-ari ni Marilyn Reyes sa hindi pagrerehistro ng kanilang negosyo sa SSS at hindi pagrereport ng kanilang mga empleyado sa kabila ng pagpapaalala ng ahensya sa mga ito. Nakapagpadala na ng show cause order sa kanila gayundin ng demand letter ngunit hindi sila nakikipag-ugnayan sa aming tanggapan kaya’t isinampa ang kaso laban sa kanilang paglabag,” ani Villanueva.

Aniya pa, seryoso ang SSS sa kanilang pagpapatupad ng mga alituntunin na naaayon sa batas kung kaya’t dapat ito ay hindi ipagwalang-bahala ng mga employers. Mandato ng batas na sa operasyon ng isang negosyo o establisimyento kailangang maging bahagi sila ng SSS at maging ang mga empleyado mula sa unang araw ng kanilang pagtatrabaho upang maibigay din sa kanila ang karampatang benepisyo ng pagiging SSS member.

Sinabi pa ni Villanueva na mahabang proseso ang dinadaanan nila bago masampahan ng kaso ang isang employer ngunit napipilitan silang gawin ito dahil sa hindi pagtupad ng mga naturang employers sa kanilang obligasyon.

Sa huli, nanawagan si Villanueva sa lahat ng employers na maging compliant sa kanilang obligasyon upang mabigyan din ng karampatang benepisyo ang kanilang mga empleyado. Sa bawat pagrerehistro at paghuhulog sa SSS, ang lahat ng benepisyo na dapat ipagkaloob sa isang empleyado sa ilalim ng batas ay maiibigay dito. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.