by Ruel Orinday November 16, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ang tanggapan ng Pag-IBIG fund sa lungsod ng Lucena ay tumatanggap ngayon...
November 16, 2019
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ang tanggapan ng Pag-IBIG fund sa lungsod ng Lucena ay tumatanggap ngayon ng calamity loan applications para sa lahat ng mga miyembro nito na residente ng Lucena City o lalawigan ng Quezon.
Sa programang ‘Balikatan Unlimited with PIA” sa DWLC – Radyo Pilipinas – Lucena City kahapaon, Nobyembre 7, sinabi ni Michael Regaza ng Pag-IBIG Lucena City na ang pagkakaloob ng Calamity loan ay sinimulan matapos na maideklara na calamity area ang lalawigan ng Quezon dahil sa pagdami ng bilang ng sakit na dengue.
“Ang mga miyembro ng Pag-IBIG ay maaaring makautang ng 80 porsyento mula sa kanilang kontribusyon sa Pag-IBIG na babayaran sa loob ng dalawang taon kung saan ang tubo kada taon ay 5.25 porsyento na mas mababa kumpara sa Multi- Purpose Loan, “ sabi pa ni Regaza.
Maaaring maka-avail ng calamity loan ang mga miyembro ng Pag-IBIG hanggang Disyembre 20, 2019 at ang pagproseso ng loan ay dalawa hanggang tatlong araw lamang.
Samantala, ang Pag-IBIG fund ay patuloy din na tumutulong sa mga miyembro nito na magkaroon ng sariling bahay upang hindi na mangupahan pa.
“Ang Pag-IBIG ay mayroong affordable housing program para sa mga minimum wage earners” kung kaya ang mga miyembro na nais mag-apply ng housing loan program ay maaaring magsadya sa aming tanggapan sa Grand Terminal sa may diversion road sa lungsod ng Lucena,” ayon pa kay Regaza (Ruel Orinday-PIA-Quezon)
No comments