Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pag-unlad ng Sta. Teresita, prayoridad ng Team Segunial

by Lolitz Estrelaldo November 16, 2019 Sta. Teresita, Batangas - Waging-wagi sa suporta ng sambayanang Sta. Teresita nitong nakalipas na ...

by Lolitz Estrelaldo
November 16, 2019

Sta. Teresita, Batangas - Waging-wagi sa suporta ng sambayanang Sta. Teresita nitong nakalipas na May 13 midterm elections, nagpahayag ang husband and wife team na sina Mayor Norberto "Boy" Segunial, Jr. at Vice Mayor Ma. Aurea “Marie" Segunial na tutukan nila at isusulong ang kaunlaran ng kanilang bayan.

Nakumpleto ni VM Marie ang kanyang tatlong (3) taong sunod-sunod na termino at sa loob ng nakalipas na siyam (9) na taon ay naglingkod siya bilang punong bayan ng Sta. Teresita. Una rito, nakaisang termino rin siya bilang Vice Mayor, kaya bumalik siya at sinuportahan naman ng mga kababayan upang muling pamunuan ang sangguniang bayan na makakatuwang ng kanyang asawang si Mayor Boy sa lahat ng mga programa at proyektong pangkaunlaran at sa patuloy na paglilingkod sa mga mamamayan.

Ayon sa butihing ama ng bayan, maisasakatuparan nila ang mga nakalinyang programa katuwang ang sangguniang bayan, kung saan ang bawat konsehal ay binigyan ng kanya-kanyang komitiba para pamunuan, tulad ng sumusunod: Kon. Mari A. BobadillaCommittee on Fire Station Establishment; Kon. Rhoda S. Atienza-Committee on Housing; Kon. Francia M. Dagook-Committee on Scholarship and Medical Assistance; Kon. Analiza M. De Chavez-Committee on Rural Health; Kon. Charlito D. ArriolaCommittee on Garbage Collection; Kon. Daniel B. Cataquiz-Committee  on Senior Citizens; Kon. Marius C. Sangalang-Committee on Education & Sports, at Kon. Mario Ruth A. Sandoval-Committee on Barangay Affairs.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon kay Vice Mayor Marie, pagtutulungan nila ang patuloy na pagsasagawa ng mga development programs sa Sta. Teresita upang lalo pa itong umunlad, gayundin ang pagtulong sa mga kababayan na maisaayos ang kalagayan sa buhay. Kabilang umano sa mga isusulong nila ay ang prayoridad ng administrasyong Segunial tulad ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan o livelihood, agrikultura, imprastraktura, turismo, kultura, serbisyong panlipunan, kalinisang pang-kapaligiran, kaayusan, kapayapaan at tapat at mabuting pamamahala.

Nagpaabot rin ng taos-pusong pasasalamat ang mag-asawang Mayor Boy at Vice lang Mayor Marie sa kanilang mga kababayan na nagbigay sa kanila ng buong pagtitiwala laming at solidong suporta. Kaya naman, ayon sa kanila,/"Bukas ang arning tanggapan para sa lahat ng mga mamamayan ng Sta. Teresita, Kayo po ang una, higit sa lahat."

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.