Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Proyektong plastik palit sabon sa Bae, inumpisahan na

By Rachel Joy Gabrido November 30, 2019 Aktuwal na pagkikilo ng mga nakalap na plastik na basura ng ilang mga bata sa Brgy. Maitim upang ...

By Rachel Joy Gabrido
November 30, 2019

Aktuwal na pagkikilo ng mga nakalap na plastik na basura ng ilang mga bata sa Brgy. Maitim upang ipalit sa sabong panglaba. (Larawang pagmamay-ari ni Konsehal Marvin Comia)


CALAMBA CITY, Laguna - Bilang tugon sa lumalalang problema sa basura sa bansa, pinangunahan ng Association of Municipal Barangay Environment Council (AMEC) at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Bae sa Laguna ang proyektong “Basura Mo, Palit Sabon” na nag-umpisa noong ika-19 ng Nobyembre 2019.

Bawat baranggay ay pinagkalooban ng lokal na pamahalaan ng Bae ng supply ng sabong panglaba na siyang ipapalit sa mga plastik na dadalhin ng mga residente sa mga designated areas.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon kay Konsehal Marvin Comia ng Baranggay Maitim na hindi na kailangan pang ilagay sa plastik na botelya ang mga dadalhing plastik na basura. Ang mga basurang plastik ay kikiluhin lamang kung saan ang katumbas ng isang kilo ay dalawang sachet ng powder o kaya naman ay isang jumbo bar na sabong panglaba.

Sinabi ni Bae MENRO Angelynne A. Lopez sa Philippine Information Agency Calabarzon na layunin ng programang mabawasan ang mga basurang itinatapon, lalo’t higit ang mga plastic, at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.

Aniya ang mga plastik na ito ay maaaring gawan pa ng pakinabang o pwedeng i-recycle.

Ang mga makakalap na plastik ay dadalhin ng MENRO Bae sa pribadong kumpanya na Unilever kung saan ang mga plastik na basura ay ginagawang upuan para muling mapakinabangan. (Joy Gabrido/PIA 4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.