by Mamerta De Castro November 16, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Nagsagawa kamakailan ng public hearing ang Sangguniang Panlalawigan ukol sa r...
November 16, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - Nagsagawa kamakailan ng public hearing ang Sangguniang Panlalawigan ukol sa rehabilitasyon ng Ilog Calumpang bunsod ng privilege speech ni 5th District Board member Arthur Blanco patungkol sa Calumpang River Management at pagpapabuti ng kalidad ng tubig at flood control sa ilog.
Sa public hearing, inilatag sa publiko ang master plan ng Calumpang River para sa flood control na mayroong tourism component. Kabilang ang paghihikayat sa mga LGUs na sakop ng Calumpang River Basin na higpitan ang water at waste disposal management sa mga babuyan at manukan na dumadaloy papunta sa ilog.
Sa pamamagitan ng rehabilitation program, inaasahang mapapanumbalik ang linis at ganda ng Ilog Calumpang sa pamamagitan ng mahigpit na pagsasakatuparan ng mga kakailanganing hakbangin, at pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng mga LGUs, stakeholders at iba’t ibang ahensya sa pamahalaang panlalawigan.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Sinabi ni Blanco na kung matatandaan, 2018 pa lamang ay tinutuligsa na ang pagiging marumi ng Calumpang River dahil sa patuloy na pagpapadaloy ng dumi ng piggeries at poultry farms sa walong bayan na nasasaklaw ng Calumpang watershed kabilang ang Batangas City, San Jose, Ibaan, Rosario, Taysan, Padre Garcia, Cuenca at Lipa City.
Hinimok rin ng bokal mula sa Batangas City na magkaroon ng sariling deposituhan ng dumi ang mga may ari ng piggeries at poultry farms. Ang mga hindi susunod ay agarang aaksyunan at bibigyan ng karampatang parusa ng kapulisan, dagdag nito. Hinihiling niya na maging responsable ang mga negosyante sa nasabing lugar para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
Maraming reklamo na ang natanggap ng Sangguniang Panlalawigan ukol sa polusyon sa Calumpang River at ang mabahong amoy ng tubig lalo na kapag tumataas ito bunsod ng malakas na pag-ulan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from PIO Batangas Province)

No comments