by Mamerta De Castro November 23, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - May 17 Persons with Disabilities (PWD) o visually impaired, mula sa iba’t-ib...
November 23, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - May 17 Persons with Disabilities (PWD) o visually impaired, mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas ang nakatanggap ng assistive device o white cane sa isinagawang distribution ceremony sa DREAM Zone, Capitol Compound kamakailan.
Ang nasabing pamamahagi ay proyekto at inisyatibo ng Samahang Batangueña, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at sa pakikipagtulungan ng Ceracare Foundation.
Ito ang ikalawang pagkakataon na namahagi ng nasabing white cane, na naunang isinagawa noong ika-4 ng Oktubre 2019 sa Barangay Mabacong, kung saan 18 ang nabigyan.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Layunin ng programa na matulungan ang isang indibidwal na may visual impairment upang mas maging produktibo ang mga ito sa kabila ng kanilang kapansanan. Sa adhikain na ito, maipapadama rin sa kanila na nabibigyan ang mga nasabing PWDs ng sapat na atensyon sa simpleng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.
Personal na iniabot ang mga naturang white canes sa mga recipients nina Governor DoDo Mandanas, katuwang ang asawa nitong si Atty. Regina Reyes Mandanas, Pangulo ng Samahang Batangueña; PSWDO Department Head Jocelyn Montalbo; at ang namumuno ng Ceracare Foundation na si Ms. Lily H. Tangco.
Nagsagawa rin ng pagsasanay sa mga Batangueño visually impaired para sa mas maayos na paggamit ng kanilang natanggap na assistive device.
Samantala, para naman mas mapalawig pa ang kaalaman ng bawat isang empleyado ng tanggapan ng PSWDO, hatid din ng Ceracare Foundation ang isang basic training sa paggabay o pag-agapay sa mga may kapansanan sa paningin. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO Batangas Province)

No comments