Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Stamps Exhibit pinasinayaan sa Gumaca

by Albert Vincent Barretto November 23, 2019 Mayor Webster Letargo kasama ang mga kawani ng Museo ng Gumaca.  GUMACA, Quezon - Pina...

by Albert Vincent Barretto
November 23, 2019

Mayor Webster Letargo kasama ang mga kawani ng Museo ng Gumaca. 



GUMACA, Quezon - Pinasinayaan ang Gumaca Philatelic Exhibition 2 o GUMACAPEX 2 nitong nakaraang Nobyembre 18, 2019 sa Museo ng Gumaca, Gumaca, Quezon. Pinangunahan ang paggugupit ng laso ni Gumaca Municipal Mayor Webster D. Letargo, Stanley N. Siu Pangulo ng Quezon Philatelic Society, at Augusto Lecciones kinatawan mula sa Philippine Postal Corporation Region IV.

Sinaksihan ito ng mga kagawad ng Sangguniang Bayan ng Gumaca na sina Kons. Juancho Mercurio, Kons. Rico Bañal, mga kawani ng Museo ng Gumaca na sina Albert Vincent F. Barretto, Princess Mhay Hernandez at Christine Jhoy Tatlonghari.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Tampok sa Gumacapex 2 exhibit ang nakamamanghang koleksyon ng mga selyo tulad ng matatandany selyo mula pa noong panahon ng Kastila, Himagsikan, Amerikano at Hapon. Ganun din ang nakakabighaning tema ng selyo na patunkol sa hayop, sasakyan, kilalang mga tao, at iba pa. Makikita rin sa exhibit ang kakaibang mga selyo tulad ng yari sa cork, ceramics, kahoy, at iba pa. Masisilayan din sa exhibit ang kaunaunahang stamp sa buong mundo na kilala sa tawag na black penny. Tampok din sa exhibit ang kasaysayan ng post office at selyo na may kaugnayan sa Gumaca.

Karamihan ng koleksyon ay mula sa mga Gumaqueñong Kolektor na sina Gerson Danseco, Gero Zyo Danseco, Gemma Itliong, Jally Marquez, Msgr. Ramon Tiama, at mula sa Quezon Philatelic Society na si Stanley Siu.

Isinagawa ang GUMACAPEX 2 kaugnay ng pagdiriwang ng National Stamp Collecting Month. Bukas at libre ang exhibit sa publiko at magtatagal pagtatampok hanggang Disyembre 11,2019.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.