Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Taal, pinagkalooban ng Seal of Good Governance

by Lolitz Estrellado November 23, 2019 (Kaliwa-Kanan) Municipal Vice Mayor Jovito M. Albufera, Municpal Mayor Pong Mercado. TAAL, Bat...

by Lolitz Estrellado
November 23, 2019

(Kaliwa-Kanan) Municipal Vice Mayor Jovito M. Albufera, Municpal Mayor Pong Mercado.



TAAL, Batangas - Ang bayan ng Taal na itinuturing na siyang pinakamayaman sa kasaysayan sa lalawigan ng Batangas, ay pinagkalooban ng Seal of Good Local Goverance (SGLG) ng Department of Interior and Local Governments (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel noong ika-5 ng Nobyembre, 2019.

Ang nasabing gawad parangal ay masayang tinanggap ni Taal mayor FULGENCIO “Pong” MERCADO, kasama ang iba pang local officials ng nasabing bayan.

Sa isang ekslusibong panayam kay Mayor Mercado, sinabi nito na ipagpapatuloy niya ang maayos na pamamahala para sa kanyang mga kababayan at sa ibayong pag-unlad ng Taal.

“Nagpapasalamat po tayo sa Department of Interior and Local Governments sa pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga pagsisikap at pagbibigay ng daan tungo sa mahusay at matagumpay na pamamahala, kung kaya naman ang ating pamahalaang bayan ay higit na nagkakaroon ng inspirasyon upang maipagkaloob ang pinakamahusay na serbisyo publiko na karapat-dapat para sa mga Taalenos, pahayag ni Mayor Mercado.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang SGLG ay isang paraan o programa ng DILG para sa promosyon at pagpapalaganap ng integridad at mahusay na pagtupad sa tungkulin ng mga Local Government Units (LGUs) o pamahalaang lokal. Sa pamamagitan ng isang progresibong sistema ng pagtatasa (progressive assessment system), ang mga reporma o pagbabago (reforms) at pag-unlad (development) ay nagiging institusyon dahil ang mga LGUs ay nabibigyan ng rekognisyon o pagkilala at distiksyon o karangalan para sa kanilang kakaiba at mahusay na performance.

“The SGLG Award symbolizes the localitys integrity and good performance through continuing goverance reforms and sustained development, a progressive assessment system adopted by the DILG to give distinction to remarkable local government performance across several areas,” paliwanag DILG Secretary Ano.

Kabilang sa mga nasabing core areas for assessment para sa mga component cities at mga munisipalidad na nasa first to third class ay ang sumusunod: pamamahala sa pananalapi (financial administration), kahandaan sa mga kalamidad (disaster preparedness), proteksyong panlipunan (social protection) kasama na ang kaayusan at kapayapaan (peace and order); habang ang mga mahahalagang areas ay ang pagiging business-friendly at competitiveness, pamamahala sa kapaligiran, pagpapaunlad at promosyon ng turismo at ang pagpapalaganap at pagpapanatili ng minanang kultura at kasaysayan (historical and cultural heritage.)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.