Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Target ng DA, DPWH at Quezon prov’l gov’t “STATE-OF-THE-ART” FISH HATCHERY

by Sonny Mallari November 16, 2019 Ipinapaliwanag ni Quezon Gov. Danilo Suarez kay DA Sec. William Dar at DPWH Sec. Mark Villar ang p...

by Sonny Mallari
November 16, 2019

Ipinapaliwanag ni Quezon Gov. Danilo Suarez kay DA Sec. William Dar at DPWH Sec. Mark Villar ang planong breakwater para proteksyon sa 1.29 ektaryang Unisan Multi-Species Finfish Hatchery. (Photo by Quezon PIO)


UNISAN, Quezon – Magtutulong-tulong ang Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH) at pamahalaang panlalawigan ng Quezon na gawing “state-of-the-art” ang “Unisan Multi-Species Finfish Hatchery” (UMSFH) sa bayang ito.

“Maganda ang hatchery na ito, ang mga high-value fishes. We need to enhance our partnership with the governor. Iimprove ito. Dapat ay state-of-the-art ang dating,” ang pahayag ni DA Secretary William Dar sa mga mamamahayag noong bisitahin niya ang UMSFH sa Barangay Punta noong nakaraang Nov. 8.

Dagdag pa ni Dar, mas lalong aktibong sasangkot ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pagpapaunlad ng UMSFH para sa kapakinabangan ng mga mangingisda.

Kasama ni Dar si DPWH Secretary Mark Villar bilang kanilang pagpapaunlak sa imbitasyon ni Governor Danilo Suarez.

Nagpahayag si Villar na ibubuhos ng DPWH ang lahat ng magagawa upang bigyang proteksyon sa lokasyon ng 1.29 ektaryang hatchery farm at makatulong din sa planong modernisasyon ng mga pasilidades.

“Tutulong kami sa pagtatayo ng breakwater para sa proteksyon ng hatchery farm compound upang mas lalong maging maayos ang marine culture farming,” ani Villar.

“Proteksyon sa sigwada”

Ayon kay Suarez, kailangan ng UMFSH ang breakwater para proteksyunan ang compound laban sa sigwada o hampas ng malalaking alon mula sa katapat na Tayabas Bay.
Sina Quezon Gov. Danilo Suarez, DA Sec. William Dar at DPWH Sec. Mark Villar sa kanilang inspeksyon sa malaking fish tank sa Unisan Multi-Species Finfish Hatchery. (Photo by Quezon PIO)


___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ipinahayag ng gubernador na nagbigay na ang DPWH ng inisyal na P50 million para sa pagtatayo ng mahigit isang kilometrong breakwater project na magkakahalaga ng P1.2 billion.

“Ang kabuuang pondo ay hindi para sa breakwater lang. Ito ay pondo para sa food security ng bansa, Ang DA, DPWH at ang provincial government ay magkakabalikat ngayon para sa isang malaking food security project,” ang pagbibigay-diin ni Suarez.

Batay sa pagaaral ng mga fish technicians sa UMSFH, ang mga “bangus”, “pompano”, “sea bass”, “samara” at “red snapper” na inaalagaan sa hatchery farm ay may kakayahang magsuplay ng semilya sa mga aqua-marine culture business sa buong Southern Tagalog.

“Sana ay matupad ang target namin na maging showcase ang hatchery farm sa buong bansa,” ani Suarez. Sinang-ayunan naman ni Dar ang layunin ng gobernador.

Noong 2013, napabantog ang UMSFH nang matagumpay na makapagpasemilya ng “silver pompano” (Trachinotus blochii) sa natural na pamamaraan at itinuring na kaunahan sa buong Southeast Asia.

Ang record na ito ay napalathala sa “international website FISHSITE” noong July 23, 2013.

“Cage fishing”

Layunin din ng pamahalaang panlalawigan na maging malawak ang “commercial cage fishing” sa buong Quezon.

Sa ilalim ng nakaraang administrasyon ni dating Governor David Suarez ay nagsimula nang mamahagi ng libreng semilya ng bangus ang provincial agriculture office sa mga fish cage operators sa lalawigan.

Ang 34 sa 42 bayan ng Quezon ay nasa tabing dagat — 17 sa Lamon Bay sa Pacific Ocean; 12 sa Tayabas Bay sa China Sea; at lima sa Ragay Gulf. Ang baybaying dagat ng lalawigan ay may habang 1,066 kilometro.

Ang UMSFH ay itinayo noong 2010 sa pamamagitan ng “public-private partnership” sa Unlad Quezon Foundation, isang nongovernment organization na nakabase lalawigan.

The UMSFH ay may dalawang malaking water reservoir (1,200 tonner tank), anim na broodstock tanks (150 tonner tank), 10 rotifier tanks, 30 algal tanks, at 40 larval rearing tanks.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.