By Ruel Orinday, PIA-Quezon December 7, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - May 21 pamilya o parents of child labor ang tumanggap ng sari-...
PIA-Quezon
December 7, 2019
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - May 21 pamilya o parents of child labor ang tumanggap ng sari-sari store package at bigasan package mula sa panlalawigang tanggapan ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) Quezon kamakailan.
Sinabi ni Provincial Labor Officer Edwin Hernandez na ang pagbibigay ng nasabing tulong ay bahagi ng kanilang livelihood project for parents of child labor na naglalayong matulungan ang mga mahihirap na pamilya partikular yaong mga pamilyang may mga anak na nagtatrabaho sa murang edad.
“Ang mga pamilyang natulungan ay mula pa sa mga bayan ng Pagbilao- 7 pamilya; Unisan-13 at San Francisco, Quezon-1 kung saan ang mga bayang ito ay kabilang sa mga bayan na may mga kaso ng child labor,” sabi pa ni Hernandez.
Ayon sa tala ng tanggapan ng DOLE-Quezon, umabot sa 5,044 ang bilang ng kaso ng child labor sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang taon (2018) kung kaya’t pinagkalooban ng tulong pangkabuhayan ang mga pamilyang may mga batang nagtatrabaho sa murang edad.
Ang mga bayan na may mga kaso ng labor labor noong taong 2018 ay Unisan, Pagbilao, Tayabas, Mauban, General Luna, Quezon, Calauag, Atimonan, Mauban, Real, Agdangan, Tagkawayan at Guinayangan, Quezon.
Nauna dito, ang DOLE-Quezon ay nagbigay na rin ng katulad ding tulong sa bayan ng Real kung saan ay 49 na pamilya ang nakinabang.
Samantala, base sa survey ng DOLE sa 11 bayan sa lalawigan ng Quezon, may 3,700 ang kaso ng child labor sa lalawigan na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.
No comments