Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

3,000 miyembro ng MOVE, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Kalalakihan

By Ruel Orinday December 7, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mahigit 3,000 kalalakihan na pawang mga miyembro ng Men Opposed to Violence...

By Ruel Orinday
December 7, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mahigit 3,000 kalalakihan na pawang mga miyembro ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) mula sa iba’t-ibat-ibang bayan at lungsod ng lalawigan ng Quezon ang nakiisa sa parada at pagdiriwang ng buwan ng mga kalalakihan sa Quezon Convention Center, sa lungsod na ito noong Nobyembre 29, 2019.

Ito ay bilang bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children na may temang “VAW Free Community Starts with Me” kung saan ay binigyang pagpapahalaga ng pamahalaang panglalawigan ang mga kalalakihan ng Quezon na nag-organisa ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE).

Naging panauhing tagapagsalita sa okasyon si Atty. Joanna Suarez pangulo ng KALIPI Quezon-Chapter na siyang kumatawan kay Governor Danilo E. Suarez , kasama sina Provincial Administrator Roberto Gajo, Gender Development Office Head Ofelia Palayan, Bokal Elizabeth Sio-Chairperson committee on GAD sa Sanguniang Panlalawigan, Provincial Social and Welfare Development Office Head Sonia Leyson at mga Municipal Social Welfare Officers.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sinabi ni Atty. Suarez na isa sa panukalang batas ni 3rd District Representative Aleta Suarez isasama na ang mga kalalakihan sa VAWC sapagkat ang hustisya ay pantay-pantay, walang tinitingnang gender, walang tinitingnang itsura, walang tinitingnang kulay lahat pantay-pantay sa mata ng batas.

“Kung mayroong naaping kababaihan tanggapin po natin, nangyayari din po ‘yan sa mga kalalakihan at sisiguraduhin namin ng Serbisyong Suarez na hinding-hindi ‘yan mangyayari sa lalawigan ng Quezon,” sabi pa ni Atty. Suarez.

Ang mahigit 3,000 kalalakihang nagmula pa sa iba’t ibang mga bayan ng lalawigan ay nagsama-sama sa pangunguna ng kanilang presidente na si General Nakar Vice Mayor Leovegildo R. Razul.

Ayon kay Gng. Ofelia Palayan, hepe ng Provincial Gender and Development Office (PGAD)-Quezon, ang aktibidad ay naglalayong mapataas ang kamalayan ukol sa mga problema ng karahasan at ang pagpapababa ng lahat ng anyo ng karahasan laban sa kababaihan at batang babae sa lalawigan.

Samantala, binigyang parangal sina Celestino C. De Guzman Jr. ng Sariaya; Cristino A. De Loreto ng General Nakar; Erwin R. Nilooban mula sa Mauban; Dr. Renulfo P. Aguilar ng Agdangan; Leo Esclanda ng PhilHealth- Quezon; Renato Almendras Alilio MD mula sa Dolores at Jerry A. Mabulay ng Macalelon Quezon bilang mga natatanging kalalakihan sa lalawigan ng Quezon na tinatawag ding “Makabangong Andres”. (Ruel Orinday- PIA-Quezon/ may ulat mula sa Quezon PIO).

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.