By Millicent Ramos and Mark Jonathan M. Macaraig December 7, 2019 Pagpupulong ang isinagawa ng Provincial Health Office (PHO). (Photo b...
December 7, 2019
Pagpupulong ang isinagawa ng Provincial Health Office (PHO). (Photo by Batangas Capitol PIO) |
Isang pagpupulong ang isinagawa ng Provincial Health Office (PHO), sa pamamagitan ng Batangas Blood Council, kung saan tinalakay ang mga naging accomplishments sa tatlong nakaraang quarter ng taong 2019 ng Provincial Voluntary Blood Services Program at mga plano na isasagawa para sa taong 2020, noong ika-27 ng Nobyembre sa PHO Conference Room.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng provincial, city and municipal voluntary blood coordinators, facility managers ng mga pribado at pampublikong ospital, at mga representate mula sa Department of Health (DoH) at Philippine Red Cross.
Sa naging mensahe ni Ms. Miner Pelagio, Program Coordinator, ipinagbigay-alam nito ang mga naging total blood collection ng bawat bayan at lungsod, gayundin ng mga blood service facilities.
Iniulat naman ni Mr. Paul Vincent Santos, Donor Recruitment Officer mula sa DoH, ang mga hakbang sa kung paano makakakuha ng dugo ang isang Kabalikat Member. Aniya, kinakailangan lamang ipagbigay-alam ng mga mangangailangan sa Blood Coordinator ang mga kaukulang detalye tulad ng pangalan ng pasyente, edad, diagnosis, blood type, blood component, kung ilang unit ng dugo ang kailangan, at kung saang ospital naka-admit ang pasyente.
Sa pamamagitan nito, ang blood program coordinator ay magre-refer sa blood service facility upang magkaroon ng verification, kasunod ang pagbibigay ng reference number at mga panuntunan na kailangang sundin.
Ayon pa kay Mr. Santos, magdala lamang ng ice chest at ice pack mula sa hospital laboratory, kung saan naka-admit ang pasyente, kasama ang blood request form. Ipinaalala niya na walong oras lang ang reservation ng isang reference number at wala umanong dapat bayaran. (Batangas Capitol PIO)
No comments