Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ang tunay na diwa ng Pasko

Editorial November 30, 2019 Disyembre na. Pasko na! Ang pinakamasayang buwan ng taon ay sumapit na, at ipagdiriwang na nga ang kapan...

Editorial
November 30, 2019



Disyembre na. Pasko na! Ang pinakamasayang buwan ng taon ay sumapit na, at ipagdiriwang na nga ang kapanganakan ng Anak ng Diyos. Si Hesus ay isinilang noong Disyembre 25 sa isang munting sabsaban.

Lumaki at nagkaisip sa piling nina Santa Maria at San Jose bilang isang normal na tao; nangaral at naagpakalat ng mga salita ng Diyos, subalit ibinuwis ang sariling buhay upang tubusin ang sangkatauhan sa mga kasalanan.

Namatay siya at ipinako sa krus, subalit muling nabuhay pagkaraan ng tatlong (3) araw.

Siya ay anak ng Diyos, kaya muling umakyat sa langit kasama ng Ama sa kanyang kaharian.

Ngayong Pasko, sana, isipin natin na ang kahulugan ng pagsilang ni Hesus ay pagpapakasakit. Niya para sa ating mga tao.

Ipagdiriwang natin ito sa isang simpleng paraan lamang pagpupugay at pasasalamat sa Diyos Ama at at sa Diyos Anak, sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan para sa kapuwa, lalong-lalo na iyong mga kapus-palad at nangangailangan.

Kung mayroon tayong maibabahagi sa kanila, gawin nating masaya rin ang kanilang Pasko, at tiyak, ang anumang ibigay natin sa kanila ay makatatlong ulit pang ibabalik sa atin ng Diyos.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




PAGIBIG SA DIYOS, AT PAGMAMAHAL SA KAPUWA.

Iyan ang tunay na diwa at kahulugan ng Pasko. Ating isapuso at isabuhay hindi lamang tuwing Disyembre 25, kundi sa lahat ng araw sa ating buhay.

Ngayong araw ng pasko,

Magsama-sama tayo,

Ngiti sa bawat isa ang pasko ay maligaya,

Isang pamilya tayo,

Lungkot may magbabago,

Pag diriwang kay Ama, ang tunay, na diwa ng saya,

Huwag isipin ang aking pagluha,

Sapagkat diwa ng Pasko’y nagsisimula,

At dapat kang magsaya, aking sinta,

Tanging pabaon ko sayo’y ating alaala,

Isama mo na rin ang mga inalay kong bibingka,

Okay lang ako, wag ka mag-alala.

GOD BLESS US ALL.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.