December 14, 2019 Nanalo ng third place ang Batangas City Population Office sa kauna-unahang 2019 Kaunlarang Pantao Award (KPA) - City...
Nanalo ng third place ang Batangas City Population Office sa kauna-unahang 2019 Kaunlarang Pantao Award (KPA) - City Population Office category- na itinaguyod ng Commission on Population and Development upang kilalanin ang mga local government units sa buong bansa na may natatanging population management program na ipinatutupad.
Ang kompetisyong ito na ginagawa tuwing ikaapat na taon ay ang dating Rafael Salas Memorial Award. Si Salas ay ang unang pinuno ng United Nations Population Fund.
Nanalo ang Batangas City sa regional competition noong Oktubre ng taong ito at siyang nag-iisang nominee ng Region 4-A sa national search.
Ang parangal ay personal na tinanggap ni Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama ang mga tauhan ng PopCom Division ng City Health Office (CHO).sa Chardonnay by Astoria Hotel, Ortigas Manila, December 12.
Ayon kay Muyette Cunanan, chief ng PopCom, bukod sa documentation na kanilang isinumite, nagkaroon din ng oral validation. Kabilang sa mga programa ng kanilang opsisina na binigyan nila ng diin ay ang contraceptive prevalence rate, birth rate, adolescent sexuality and reproductive health, parenting education, parent-adolescent seminars, responsible parenthood and family planning at GAD KATROPA o Gender and Development Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya.
Malaking puntos aniya kung bakit nagwagi ang lungsod ay dahil sa Barangay Service Point Officers o BSPO na nagsimula pa sa administrasyon ni dating Punonglungsod Eduardo Dimacuha at ipinagpapatuloy ngayon ni Mayor Beverley. Sa kasalukuyan ay may 121 BSPO sa lungsod na syang nagsisilbing katuwang ng mga population workers sa pagpapatupad ng mga programa. “They act as gatekeepers of the population management program sa mga barangay, napapadali ang implementasyon ng mga programa dahil sa kanila.”
Bukod sa plake, nagkamit din sila ng tsekeng nagkakalahalaga ng P 200,000 na gagamitin sa ibat-ibang proyekto at programa ng PopCom.
Plano nilang dalhin sa workplace ang responsible parenthood and family planning seminar nila upang mapataas ang contraceptive prevalence rate ng lungsod, Higit na palalawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa reproductive health at responsible adolescence upang maiwasan nila ang mga bagay na magiging hadlang sa kanilang magandang kinabukasan partikular ang teenage pregnancy.
Layunin din ng Cith PopCom Div. na makamtan ang demographic dividend kung saan mas malaki ang working force kaysa sa mga dependent na makakamit kung mababawasan ang teenage pregnancy. Ang mga kabataan aniya ang pag-asa ng bayan na inaasahang magtatrabaho at makakapag angat ng ekonomiya ng bansa.
Lubos ang pasasalamat ni Cunanan sa suportang ipinagkakaloob ni Mayor Dimacuha sa kanilang tanggapan na sa kabila aniya na sila ay dibisyon lamang at ang kanilang mga naging kalaban ay mga departamento, tinanghal pa din sila sa ikatlong pwesto. (PIO Batangas City)
No comments