By Lolitz Estrellado December 14, 2019 Bauan Municipal Mayor Ryanh M. Dolor BAUAN, Batangas - Ang bayan ng Bauan ay pinagkalooban ...
December 14, 2019
Bauan Municipal Mayor Ryanh M. Dolor |
BAUAN, Batangas - Ang bayan ng Bauan ay pinagkalooban ng Seal of Good Local Goverance (SGLG) ng Department of Interior and Local Goverments (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel noong ika-5 ng Nobyembre, 2019.
Ang nasabing gawad parangal ay masayang tinanggap ni Bauan Mayor Ryan Dolor l kasama ang iba pang local officials ng nasabing bayan.
Ang Bauan ay isa sa dalawa (2) lamang na bayan sa lalawigan ng Batangas na binigyan ng naturang parangal, Ang isa pa ay ang Taal.
Sa isang panayam kay Mayor Dolorn sinabi nito na ipagpapatuloy niya ang maayos na pamamahala para sa kanyang mga kababayan at sa ibayong pag-unlad ng Baun.
“Nagpapasalamat po tayo sa Department of Interior and Local Governments sa pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga pagsisikap at pagbibigay-daan tungo sa mahusay at matagumpay na pamamahala, kung kaya naman ang ating pamahalaang bayan ay higit na magkakaroon ng inspirasyon upang maibigay ang pinakamahusay na serbisyo publiko na karapat dapat sa mga mamamayan ng Bauan,” pahayag ni Mayor Dolor.
Ang SGLG ay isang paraan o programa ng DILG para sa promosyon at pagpapalaganap ng integridad at mahusay na pagtupad sa tungkulin ng mga local governments units (LGUs) o pamahalaang lokal. Sa pamamagitan ng isang progresibong Sistema ng pagtatasa (Progressive Assessment System) ang mga reporma o pagbabago (reforms) at pag-unlad (development) ay magiging institusyon dahil ang mga LGUs ay nabibigyan ng rekognisyon o pagkilala at distinksyon o karangalan para sa kanilang kakaiba at mahusay na performance.
“The SGLG Award symbolizes the locality’s integrity and good performance through continuing goverance reforms and sustained development, a Progressive assessment system adopted by the DILG to give distinction to remarkable local government performance across several areas,” paliwanag ni DILG Secretary Ano.
Kabilang sa mga nasabing core areas for assessment para sa mga component cities at mga munisipalidad na nasa first to third class ay ang sumusunod: pamamahala sa pananalapi (financial administration), kahandaan sa mga kalamidad (disaster preparedness), proteksyong panlipunan (social protection) kasama na ang kaayusan at kapayapaan (peace and order); habang ang mga mahahalagang areas ay ang pagiging business-friendly at competitiveness, pamamahala sa kapaligiran, pagpapaunlad at promosyon ng turismo at ang pagpapalaganap at pagpapanatili ng minanang kultura at kasaysayan (historical and cultural heritage).
Masayang masaya ang mga taga Bauan sa tagumpay na natamo ng kanilang bayan sa ilalim ng pammuno ni Mayor Dolor, at ayon sa kanila, ipinagkakapuri at ipinagmamalaki nila ito dahil sa katapatan, kahusayang mamuno, Malasakit sa mga nasasakupan at pagmamahal sa bayan.
“Iyan pong aming Mayor Ryan Dolor, MATINO NA, MAGALING PA. Kaya siya ang palagi naming iniluluklok sa munisipyo. Bale second round na niya ngayon. Noong mga nakalipas na taon ay nakakumpleto na po siya ng kanyang unang tatlong (3) termino o siyam (9) na taon bilang aming alkalde,” pahayag ng isang punong barangay na hindi na nagpabanggit ng pangalan.
No comments