By Lolitz Estrellado December 21, 2019 Lipa City Social Welfare and Development Officer Lerma M. Laylo. (Photo by Lerma M. Laylo Faceb...
December 21, 2019
Lipa City Social Welfare and Development Officer Lerma M. Laylo. (Photo by Lerma M. Laylo Facebook Account) |
Lunsod ng Lipa - Mahigpit na pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng mga benepisaryo o beneficiaries ng programang Pantawid Pamilya na ang cash grant ay ayuda o tulong para sa pangangailangan sa kalusugan at edukasyon ng mga bata.
Ito ang nilinaw ni Lipa City Social Welfare and Development Officer Lerma M. Laylo sa isang ekslusibong panayam dito kamakailan. Binigyang-diin ni Laylo na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasangla ng ATM card o ng Pantawid ID at ang paggamit ng pera sa mga illegal na gawain tulad ng pagsusugal. Ang paglabag ay may karampatang parusa ayon sa polisya ng DSWD at ordinansa ng lokal na pamahalaan tulad ng barangay, munisipyo, lungsod o probinsya na nakakasakop sa benepisyaryo.
Ayon pa sa mabait at masipag na Lipa City Social Welfare Officer, hinihikayat ang sinumang may nalalaman na i-report o ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang anumang uri ng paglabag o magtext/ tumawag sa telepono bilang 0918 213 2814. Ipinaliwanag rin ni Laylo ang mga karapatan ng mga bata kaugnay ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Disyembre. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Malayang makapagpahayag ng sariling pananaw.
2. Maipagtanggol at maabot ng serbisyo ng pama
halaan.
3. Mamuhay sa isang payapang pamayanan.
4. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan.
5. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong pangangatawan.
6. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
7. Magkaroon ng maganda at mahusay na edukasyon.
8. Maging Malaya.
9. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyunalidad; at
10. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga.
“Let’s protect the chil. dren, ibigay natin sa kanila ang kanilang mga karapatan. Gabayan sila sa matuwid na landas upang maging mabuting mamamayan sa kanilang paglaki, produktibo at pagasa ng bayan,” pahayag pa ni Laylo.

No comments