December 14, 2019 MANILA, Philippines — Bibiyahe na sa Lunes ang anim na bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR), na galing s...
MANILA, Philippines — Bibiyahe na sa Lunes ang anim na bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR), na galing sa bansang Indonesia.
Ang official arrival launch para sa mga naturang bagong bagon ay ginanap dakong 8:00 ng umaga kahapon sa Port Area, Manila, at dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni DOTr Sec. Arthur Tugade.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, ang mga tren na gawa ng PT Inka, ay magsisimulang bumiyahe sa Disyembre 16.
Ang anim na mga bagong bagon ay bubuo sa dalawang DMU train set ng PNR at makakadagdag ng 18 hanggang 20 biyahe kada araw sa assigned route na Tutuban-FTI at Malabon-FTI.
Bawat train set ay may minimum capacity na 752 passengers, na nangangangahulugang madaragdagan din ang kasalukuyang daily passenger service rate ng PNR na 65,000.
Bukod umano sa mga naturang mga tren, may apat pang ibang tren na may tig-apat na bagon ang inaasahang darating sa bansa sa Enero at bibiyahe sa may 36 na istasyon sa Metro Manila.
Nabatid na ang mga naturang tren ay bahagi ng 37 train sets na inorder nila mula sa PT Inka.
Ang PNR ay ang pinakamatandang railway system sa bansa. (One Cavite)
No comments