Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Cong. Suarez, pinuri si PD30 sa isyu ng Maynilad at Manila water

By Nimfa Estrellado December 14, 2019 Congressman David “Jayjay” C. Suarez Lucena City - Pinuri at pinasalamatan ni Congressman ...

By Nimfa Estrellado
December 14, 2019

Image may contain: 3 people, people sitting
Congressman David “Jayjay” C. Suarez


Lucena City - Pinuri at pinasalamatan ni Congressman David “Jayjay” C. Suarez si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa maagang pagaksyon nito sa isyu ng patubig ng Maynilad at Manila Water.

Umaksyon na ang Pangulo sa usapin ng concession agreement, at tiniyak nito na mabibigyan ng proteksyon ang kapakanan at interest ng mga mamamayan, at ng bansa.

Siniguro rin ni Presidente Duterte na maprotektahan ang karapatan ng mamamayan laban sa hindi patas na kundisyon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng Maynila/Maynilad Water.

"Tayo po ay nagpapasalamat kay Pangulong Duterte na dahil sa kanyang malasakit sa mamamayan ay minarapat niyang buksan ang usapin sa Concession Agreement. Tiniyak ng ating Pangulo na mabigyang proteksyon ang interest ng bansa, at higit sa lahat ay karapatan ng mamamayan laban sa hindi patas na kundisyon ng kasunduan sa pagitan ng ating pamahalaan at Maynilad at Manila Water.

"Sa ngalan ng mabuting pamamahala, tayo po ay nagpapasalamat kay Pangulong Duterte sa kanyang malasakit sa mamayan, sa kanyang ginawang pagbubukas sa nasabing usapin. Magbibiga-daan ito upang agarang mabigyan ng solusyon ang anumang problema para sa kagalingan ng mga mamamayan," pahayag ng masipag at magaling na congressman.

Nagpahayag din ng pasasalamat at suporta si Cong. Jayjay sa kanyang mga kasamang kinatawan sa Kongreso, kay House Speaker Allan Peter Cayetano.

"Marapat din nating ipahayag ang ating pasasalamat sa ating mga kasamahan sa 18th Congress, at Speaker Cayetano, dahil sa nagkakaisang suporta upang ma-review at baguhin ang mga pangunahing probisyon ng kontrata sa pagitan ng pamahalaan at ng Maynilad/Manila Water. Sa ganitong paraan ay matitiyak na patas ang mga kondisyon sa Kasunduan," dagdag na pahayag nni Cong. Jayjay.

Samantala, naging matagumpay ang unang pagdinig ng Committee on Good Government and Public Accountabiliy, kung saan inalam at inimbestigahan na ang Concession Agreement ng MWSS at Manila Water/Maynilad.

Sa hearing, napagkasunduan ang mga sumusunod.

1) Hindi na sisingilin ng Maynilad at Manila Water ang 7.4 bilyon danyos sa Gobyerno.

2) Hindi na itutuloy ang nakaambang taas singil ng tubig sa Enero 2020.

3) Magiging bukas ang Maynilad at Manila Water na pag-usapan ang maanomalyang probisyon ng Concession Agreement.

Malaking tagumpay po ito sa mamamayan ngunit hindi pa tapos ang laban. Noong ika-4 ng Disyembre, 2019 tayo po ay naghain ng Resolution bilang 569 o na may titulo na "RESOLUTION CALLING FOR THR CONDUCT OF LEGISLATIVE INQUIRY IN AID OF LEGISLATION ON THE PROVISION ON THE WATER SERVICES BY THE MWSS AND ITS CONCESSION AGREEMENT WITH MANILA WATER AND MAYNILAD FOR THE PROTECTION OF PUBLIC INTEREST AND IN THE NAME OF GOOD GOVERNANCE".

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.