December 21, 2019 Alay sa Sto Nino. (Photo by Palakat Batangascity) Magiging bahagi ng pagdiriwang ngt Batangas City Fiesta 2020 ang p...
Alay sa Sto Nino. (Photo by Palakat Batangascity) |
Magiging bahagi ng pagdiriwang ngt Batangas City Fiesta 2020 ang paglulunsad ng Eto Batangueño Disiplinado Magkatuwang Tayo sa January 8 sa isang programa sa Batangas City Convention Center (BCCC) bilang advocacy ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na maikintal ang disiplina sa araw araw na pamumuhay ng mga mamamayan.
May 20 kandidata naman ang magpapagandahan at magpapagalingan sa gaganaping Bb. Lungsod ng Batangas 2020 sa Coronation Night sa January 15 sa BCCC. Magtatanghal din dito ang mga sikat na movie at tv personalities.
Pormal na ipakikilala sa publiko ang mga kandidata sa isang motorcade at press conference sa December 27. Sa January 11 gaganapin ang kanilang Talent Show sa BCCC simula 5:00 ng hapon.
Bilang pagpupugay sa kapistahan ng Mahal na Patrong Sto Nino, idadaos ang kanyang Fluvial Procession sa Calumpang River sa ika-7 ng Enero.
Kaalinsabay nito ang Alay sa Sto Nino cultural presentation sa BCCC na tatampukan ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan sa lungsod.
Gaganapin naman sa January 9 ang Children’s Art Competition sa SM Events Center, sa January 10 ang Battle of the Bands sa Amphitheater ng Plaza Mabini, simula 7:00 ng gabi.
Mula January 11-16 maaaring makita sa SM City Batangas ang Children’s Art Exhibit at ang mga larawan na kalahok sa Fluvial Parade Photo Contest.
Sa mismong araw naman ng Kapistahan sa January 16 isasagawa ang parada na magsisimula sa Batangas City Sports Coliseum grounds.
Magtatapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Handog ni Mayor: Trabaho para sa mga taga Lungsod ng Batangas sa Sports Coliseum sa ika-18 ng Enero.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga nabanggit na gawain na inihanda ng Cultural Affairs Commitee ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pangunguna ni Mayor Dimacuha. Ang tema ng kapistahan ay “Lungsod ng Batangas: Sambayanang Maka-Diyos, Maka- Tao, Maka-Kalikasan. Maka-Bansa”. (PIO Batangas City)
No comments