Editorial December 21, 2019 Tatlong (3) araw na lang. PASKO na, mga kabayan Siguro, sa mga oras na ito, barya-barya na lang ang natiti...
December 21, 2019
Tatlong (3) araw na lang. PASKO na, mga kabayan Siguro, sa mga oras na ito, barya-barya na lang ang natitira sa mga tinanggap na Christmas bonus. 13th at 14th month pay, at iba pang insentibo na matatanggap ng mga empleyado at manggagawa kapag ganitong panahon ng kapaskuhan. Bakit? Marahil ay naubos na sa kaka-shopping, bili rito, bili roon -bagong damit at sapatos, mga laruan, bagong gamit sa bahay, appliances at iba pa.
Sa ganitong panahon naman talagang nakakaengganyong mamili dahil ang daming sale sa mga malls, supermarkets at iba pang outlets. Mayroon ding mga simple lang ang binibili, at mas marami nang bonggang-bongga, na para bang wala ng bukas, walang ubos ang kadalungan, tulad ng mga pang-regalo at pamasko sa inaanak, mga panghanda sa bisita at kung anu-ano pa.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Maging doble ingat naman ‘pag namimili sa mga mall at tiangge. Lagi lang alisto sa mga ari-arian at mga pinamili nang hindi magkaroon ng tiyempo ang mga kawatan. Kung gagabihin naman, mas maiging may kasama at sa mga maliliwanag at matataong lugar na maglakad, dumaan o ‘di kaya’y maghintay ng masasakyan. Kung ang lahat ay magiging mapagmatyag at maingat, mababawasan ang mga nabibiktima, at magiging mas masaya ang pagdaraos ng panahong ito.
Ang pasko ay pag-alala sa pagsilang ni Hesukristong Anak ng Diyos, kaya dapat isentro sa kanya ang pagdiriwang. Pagsisimba, pagdarasal, pananampalataya sa kanya, at pagmamahal sa kapuwa ang tunay na diwa ng Pasko. Kaya hindi naman kailangan ang magarbo at engrandeng paghahanda. Gawin nating simple ang pagdiriwang, isapuso at isabuhay ang tunay na diwa ng dakilang araw na ito. Yaong mapapalad na nagtataglay ng yaman, huwag sanang makalimot na magbahagi sa mga kapus-palad. Let’s give and share our blessings to those who have less in life.”
Ang maliit na bahaging matulong sa kapuwa, maka-ikatlong ulit na ibabalik sa atin ng Diyos. Paano raw maging simple hindi lamang sa araw ng Pasko kundi sa lahat ng araw ng ating buhay? Simple lang din ang paraan BILHIN LANG ANG KAYA NG BULSA AT KAILANGAN. AT HUWAG KAILANGANIN ANG HINDI KAYANG BILHIN MALIGAYA AT MAPAYAPANG PASKO PO SA ATING LAHAT.

No comments