November 30, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Nobyembre ang Cooperative Month bilang paggunita sa kanilang ...
November 30, 2019
Naging host ang Office of the Provincial Agriculturist kasama ang Provincial Cooperative Development Office sa isinagawang regular na pagtataas ng watawat nitong nakaraang Lunes na dinaluhan ni Gobernor Danilo E. Suarez.
Nag-ulat si Provincial Cooperative Development Specialist Ranel Lingahan na patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng pinansyal at teknikal na suporta sa 299 na kooperatiba na may kabuuang kasapi na umaabot sa 168,714 mula sa apat na distrito ng lalawigan simula pa noong 2014.
Base sa talaan ang mga nasabing kooperatiba ay meron nang kabuuang assets na mahigit sa P7 bilyon.
Ayon pa kay Lingahan, nasimulan na noong nakaraang October ang launching of Provincial Youth Cooperative Development Program and Kick-Off Ceremony for Cooperative Month Celebration noong Oktubre 23, 2019 sa Ouans Farm and Resort, Lucena City.
Naging halimbawa naman ang matagumpay na kooperatiba ay ang Kooperatiba ng Nagkakaisang Mamamayan Multi-Purpose Cooperative o KOOPNAMAN MPC sa Lucena, City na nagkaroon ng transaksyon na nakapagpalabas ng pera na umabot sa Php 1.3 milyon na ang naging benipisaryo ay mga magsasaka ng Quezon na ang pinakamarami ay sa bayan ng Buenavista.
Dahil sa maayos na pamamahala ng KOOPNAMAN MPC tinanghal si Bellen Bico bilang Most Outstanding Cooperative Leader at patunay nito na ang nasabing kooperatiba ay nakapagtala ng bagong miyembro na umaabot sa 17,633 nito lamang 2017.
Ang KOOPNAMAN ay nasa kategorya ng Large at Primary Cooperative na may kabuuang asset na mahigit sa isang daang milyong piso.
Nagpahatid naman ng kaniyang suporta at pakikiisa si Gov. Suarez sa pagdiriwang ng Cooperative Development Month. Kasabay ng papuri sa tatlong nagwagi sa katatapos na National Gawad Saka na ginanap sa Bellevue Hotel Alabang nitong October 25, 2019. Sila ay sina Bemjamin O. Bajo -Outstanding Fish Cultural mula sa Panukulan, Teodoro V. Pangilinan – Outstanding Large Animal Raiser mula sa Sariaya, Quezon at ang Quezon Provincial Agriculture and Fishery Council bilang Outstanding Provincial Agriculture and Fishery Council.
Samantala, sa darating na Disyembre 2, 2019 naman ay masasaksihan ang switch-on ceremony ng provincial Christmas tree na magsisilbing hudyat sa pagsisimula ng selebrasyon ng Pasko sa Kapitolyo na pangungunahan ng ama ng lalawigan, miyembro ng sanguniang panlalawigan, kawani at mga piling panauhin. (Quezon-PIO)
No comments