Editorial December 14, 2019 Ngayong Disyembre, ipinagdiriwang ang Linggo ng Kabataan (Youth Week Celebration). Ang Linggo ng Kabataan ...
December 14, 2019
Ngayong Disyembre, ipinagdiriwang ang Linggo ng Kabataan (Youth Week Celebration).
Ang Linggo ng Kabataan ay isang taunang programa ng Sangguniang Kabataan Federation at ng Navotas City Council for Youth Development at hangad nito na maitaas ang kamalayan at pakikilahok ng mga kabataan sa usaping kultural, sosyal at legal sa komunidad.
Bilang pinakatampok na bahagi ng selebrasyon, may mga kabataang mag-aaral at lider sa ibat ibang eskwelahan ang nagtake over o pumalit pansamantala sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at sa loob ng isang linggo ay sila ang naglilingkod bilang mga youth ifficials.
Ito ay isinasagawa taon taon upang ang mga lider na kabataan ay mabigyan ng pag-kakataong makaranas, matuto at masanay sa pamumuno bilang alkalde, bise alkalde, konsehales at iba pa.
Magandang training o pagsasanay ito para sa kanila. Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng wastong kaisipan kung paano mamuno. Pagdating naman ng tamang panahon, sila talaga ang papalit upang mamahala sa gobyerno at mag-lingkod sa bayan.
Magpahanggang ngayon naman, ang mga kabataan pa rin ang tunay na PAG ASA NG BAYAN, bagaman at marami na rin sa kanila ay sinisira ng ilegal na droga at medernong teknolohiya.
Marami ng kabataan ang nawasak, subalit mas marami pa rin ang matitino, matatalino at may magandang asal. Sila ang ating tulungan, gabayan at hubugin sa kabutihan upang maging produktibo at aktibong miyembro ng lipunan.
Ilagay natin sa sentro ng kanilang buhay ang Diyos, at darating ang panahon, sila ang TUNAY NA PAG-ASA NG BAYAN, mamumuno tungo sa maunlad at mapayapang komunidad.
Kayong mga kabataan, bigyan ninyo ng importansya ang bawat gawain na itinatalaga sa inyo. Ang simpleng gawain ay nagtuturo ng disiplina at pagtitiyaga, pati na ng pagiging malikhain. Ang mga halagahan o values na ito ang magbibigay-daan para maabot ninyo ang tagumpay,” ayon sa kongresista.
No comments