By Ruel Orinday December 7, 2019 LOPEZ, Quezon - “Nagpapasalamat po ako at ang aking pamilya sa mga tulong na ipinagkaloob ng National Nu...
December 7, 2019
LOPEZ, Quezon - “Nagpapasalamat po ako at ang aking pamilya sa mga tulong na ipinagkaloob ng National Nutrition Council (NNC) – Region-4A dito sa aming barangay,” ito ang pahayag ni Anabel Ulanda ng Barangay Villamonte sa mga miyembro ng NNC-Region-4A at Provincial Nutrition Action Office (PNAO)-Quezon sa isinagawang program monitoring and evaluation sa Lopez, Quezon noong Nobyembre 19-21, 2019.
“Sa pamamagitan po ng mga pananim na mga gulay kagaya ng pechay, ampalaya, sitaw at talong, malaki ang naitulong sa aming pang-araw-araw na gastusin sa bahay, 10 beses na po kaming nakapag-ani ng mga gulay at ito ay ipinagbibili namin sa aming mga kapit-bahay at sa palengke at kumikita kami ng halos P2,000 kada linggo habang libre naman ang aming nilulutong gulay mula sa aming taniman,” patuloy ni Ulanda.
Ayon kay Ulanda, siya ay may 10 anak at napakasipag aniya ng kanyang asawa sa pagtatanim ng mga gulay at ang mga pinagbentahan ng gulay ay ginagamit nila sa pag-aaral ng kanilang mga anak, gastos sa pagkain at iba pa.
Ang pagbibigay ng mga libreng pananim na mga gulay ay isa lang sa mga programang ipinatupad ng NNC-4A simula pa noong taong 2017 sa ilalim ng programang “Home and Community Food Production”.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Bukod dito, si Ulanda ay benepisyaryo din ng programang “Idol ko si Nanay” at 1st 1,000 days ng NNC. Sa "Idol ko si Nanay” ang mga magulang ay tinuturuan ng tamang pamamaraan ng pagluluto ng mga masusustansiyang pagkain sa loob ng limang araw samantalang itinuturo naman sa 1st 1,000 days ang tamang pagpapakain at pagpapalaki kagaya ng pagbibigay ng Vitamin-A at complementary feeding sa mga bata upang malabanan ang malnutrisyon.
Katuwang ng National Nutrition Council (NNC) sa pagpapatupad ng kanilang mga programa ang mga barangay nutrition scholars, mga health workers sa mga mga barangay health centers gayundin ang mga kawani ng PNAO at maging ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon at mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Zarah Clarice T. Megino, RND at Provincial Nutrition Coordinator of ECCD-F1K (Quezon aT Rizal), una nilang ipinatupad ang mga nasabing programa noong taong 2016 sa lungsod ng Lucena gayundin sa mga mga bayan ng Candelaria, Sariaya, Polilio, Alabat, Mulanay, san Francisco at Lopez, Quezon na mga pilot areas.
Sinundan ito ng kanilang expansion program noong taong 2017 sa mga bayan ng Burdeos, Pagbilao, Infanta, Calauag gayundin sa Buenavista, Quezon at sa ilang bayan ng lalawigan ng Rizal kagaya ng Rodriguez at bayan ng Baras base naman sa bilang ng kaso ng malnutrisyon.
Bukod kay Anabel, nagpasalamat din si Gng. Anita Sagalo ng Barangay Bayabas, Lopez, Quezon na benepisyaryo ng programang F1K.
Sina Anabel at Anita ay ilan lamang sa mga benepisyaryo ng mga programa ng NNC na patuloy na ipinatutupad sa lalawigan ng Quezon.
“Nagpapasalamat din po ako sa mga tulong ng NNC dito sa aming barangay lalo ang pagpapatupad ng programa sa tamang pangangalaga at pagpapalaki ng bata o 1st 1,000 days,” sabi pa ni Anita.
Sa isinagawang “program monitoring and evaluation,” pursigido pa rin ang NNC-4A na ipagpatuloy pa nito ang mga nasimulang programa sa Lopez at San Francisco, Quezon kasama na dito ang pagtugon sa mga kahilingan ng mga barangay health workers at mga municipal nutrition action officers na siyang katuwang ng NNC sa pagpapatupad ng mga programa laban sa malnutrisyon. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

No comments