Editorial December 7, 2019 Matinding pag-ulan, tuloy-tuloy at malakas na hangin ang dinala ni Tisaoy noong Martes. Nanalasa ng hus...
Editorial
December 7, 2019
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maitutuing itong super typhoon, subalit mas malakas pa rin ang bagyong Yolanda ilang taon na ang nakakalipas.
Bago dumaong si Tisoy sa Pilipinas, ilang araw na inianunsyo ang paparating na bagyo. Todo ang ginawang paghahanda ng mga lokal na gobyerno para mabawasan ang magiging epekto o pinsala nito at masiguro ang kaligtasan ng mga tao.
Pinalilikas na nang maaga ang mga mamamayan na nasa daraanan ng bagyo, partikular na ang mga residenteng malapit sa mga ilog at baybaying dagat, kahit pa nga ang iba ay naging pasaway at ayaw sumunod.
Matuto sana tayo, sapagka’t iyang si Tisoy ay hindi pa marahil ang huling bagyong dadalaw sa atin.
Totoong sa kasalukuyan ay hindi maiiwasan ang mga pag-ulan sapagka’t panahon ngayon ng tag-ulan (rainy season) sa bansa. At ayon sa pa rin sa PAGASA ay may inaasahang mahigit sa 20 bagyo ang “bibisita” dito.
Kaya dapat talaga ay maging alerto ang mga tao, maging handa sa anumang kalamidad, at dapat ay magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga dapat gawin bago (kung may paparating), habang may nananalasa, at pagkatapos na maganap, ang anumang kalamidad.
At papaano maging handa? Una, dapat maging updated sa mga balita. Maghanda rin ng mga unang pangangailangan.
Kapag laging handa sa anumang kalamidad, at may sapat na kaalaman ukol dito, mababawasan ang impact o pinsalang maidudulot nito sa atin. Hindi lamang ang ating mga sariling buhay ang ating mapapangalagaan, kundi maaari rin tayong makatulong upang sumagip at magligtas ng buhay ng iba, ng ating mga kapuwa. Higit sa lahat, matuto tayong manalangin sa Diyos, at sa Kanya humingi ng lakas, sa lahat ng oras, may kalamidad man o wala.
No comments