December 28, 2019 Sumailalim sa music instrument workshop ang mga miyembro ng orchestra ng Batangas City High School for the Arts kasama...
Sumailalim sa music instrument workshop ang mga miyembro ng orchestra ng Batangas City High School for the Arts kasama ang EBD Blades Drums and Lyre, December 20, na itinaguyod ng Batangas City government upang higit na malinang ang kakayahan ng mga kabataang musikero sa lungsod.
Ang workshop ay isinagawa ni Satur Thiamson, kilalang percussionist, music at drum teacher. Siya ay nagtapos sa University of the Philippines (UP) College of Music , Diploma in Music, major in Percussion at kumuha ng mga certificate courses sa Berkley, USA at iba pang bansa. Nagtrabaho din siya ng 10 taon sa Hongkong Disneyland.
Pinuri ni Thiamson ang Batangas city government sa pagtataguyod ng School for the Arts na aniya ay iilan lamang lokal na pamahalaan ang may ganitong proyekto. Nakita niya hindi lamang ang husay ng mga mag-aaral sa pagtugtog lalo’t higit ay ang kagustuhan ng mga itong matuto at kasiyahang makapagtanghal. “ Lahat sila ay talented at cooperative, willing to learn, kailangan lang ng technical practice, konti pang improvement,” sabi ni Thiamson.
Pinuri rin niya ang husay ng conductor/trainor ng orchestra na si Elmer Ortiz.
Pagkatapos ng workshop ay nagtanghal ang orchestra sa Plaza Mabini kasama si Thiamson. Naging bahagi rin ng show ang choir at dance group ng City High School for the Arts. ( PIO Batangas City)
No comments