By Lolitz Estrellado December 21, 2019 Activity head ng programa na si Chief Nimfa Estrellado publisher ng Sentinel times (naka-pink),...
December 21, 2019
Activity head ng programa na si Chief Nimfa Estrellado publisher ng Sentinel times (naka-pink), kasama ang mga taga Sentinel TImes at Ist Infantry Battalion ng Tayabas City.
Tayabas City - Bumisita ang Sentinel Times Quezon Province’s Regional Weekly Newspaper at Tuklas Tayabas Historical Society sa komunidad ng Aeta sa Barangay Tongko, Tayabas City, noong ika-21 ng Disyembre, 2019, upang magsagawa ng isang outreach program para sa mga batang Aeta ng nasabing komunidad na may temang “Bigyang ningning ang kanilang Pasko Outreach Program.”
Ang Sentinel Times ay isang Pilipinong pahayagang pang-masa ng wikang Ingles at Tagalog. Ito ay may may malawak na sirkulasyon na pahayagang broadsheet sa Lalawigan ng Quezon at mga karatig bayan nito. Itinatag ito noong 2016.
Ang Tuklas Tayabas Historical Society naman ay isang organisasyong nakabase sa Tayabas City, na may layuning na maipaunawa ang halaga ng kasaysayan sa mga Tayabasin.
Ayon sa activity head ng programa na boss Chief ng Sentinel Times Nimfa Estrellado, publisher ng nasabing pahayagan, layon ng naturang outreach na makatulong sa pag-aaral ng mga batang aeta at makapagbigay ng kaunting kasiyahan sa buong komunidad ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng basic school supplies at damit sa kanila.
Ayon naman kay Tuklas Tayabas Historical Society Founder John Valdeavilla, “Layunin rin ng outreach na ito na maiparamdam sa mga kapatid nating Aeta ang diwa ng pagbibigayan gaya ng ginawa ng Diyos Ama nang ibigay niya ang kanyang bugtong na anak para sa atin. Nagbigay din ako ng hamon sa kanila na di lahat ng oras sila lagi mabibigyan, kaya kailangan matuto din sila magbigay at tumulong sa kanilang komunidad na nasasakupan”.
Bukod sa pagbibigay ng school supplies at mga damit, nagbigay-saya rin ang naturang outreach program sa pamamagitan ng pakain at pagpapalaro sa mga batang Aeta. Patok sa mga batang Aeta ang isinagawang Puppet Show ni Diego Francia ng Antipolo, Rizal. Naghandog rin ang mga batang Aeta ng katutubong sayaw na tinawag nilang Panikpikan para sa mga miyembro ng outreach program.
Ang mga batang Aeta ay mula Pre-elementary hanggang Grade 7 na nanggagaling sa pamilyang residente ng Brgy. Tongko na kulang ang pantustos para sa kanilang pag-aaral.
Pawang pasasalamat ang mga pahayag ng publisher ng Sentinel Times sa tagumpay na naisagawa ang outreach program para sa mga batang Aeta.
“Maraming salamat po sa lahat ng nag-donate, naki-isa at tumulong sa ating outreach program, ang Alona Partylist, Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling Ex.officio Board Member, Hon.Alona V. Obispo Quezon 1st Dist. Board Member, OCC-Regional Trial Court Lucena City, Quezon Province sa pangunguna ni OIC. Atty. Edgardo Castillo, Clare Perez, Hazel Soriano, Nerissa Hernandez, Florence Pacheco and Maricel Borgonia. Hindi lamang para sa mga bata ang programa ng outreach program, ngunit para rin sa mga pamilya ng mga ito.” pahayag ni Nimfa Estrellado.
Kaagapay ng Sentinel Times at Tuklas Tayabas Historical Society sa nasabing aktibidad ang mga volunteers na galing Gumaca, Lalawigan Quezon na sina Princess May Hernandez at Mhona Jarapa. Kasama rin ang mga tropa ng Ist Infantry Battalion ng Tayabas City, sa pangunguna nina LTC JESUS T. DIOCTON INF (GSC) PA- Acting Commanding Officer, 1IB, 2ID, PA CPT MARLON ACE B. GUINTIBANO (SC) PA - CMO Officer, 1IB, 2ID, PA Sgt Gerald G. Colasito (Inf) PA Information Support Affairs NCO, 1IB, 2ID, PA Cpl Raffy S. Sorongon Sgt Dexwood P. Dela Rosa, Tsg Antonio A. Lawagan at Cpl Ariel D. Narvaza, na nagbigay naman ng libreng gupit at seguridad sa lugar.
Taos pusong nagpasalamat si Aeta Tribal Chieftain, Christine M. Sanchez sa mga tao at organisasyon tulad ng Sentinel Times at Tuklas Tayabas Historical Society na patuloy na sumusuporta sa kanila. “Sa lahat ng mga organizations sa Lalawigan ng Quezon na hindi nakakalimot gamitin ang mga aeta community for their venue and dwelling place, maraming salamat sa palagiang pagtulong ninyo,” pasasalamat niya.
Layunin pa ng Sentinel Times at Tuklas Tayabas na makatulong at patuloy na tuparin ang kanilang motto na, “Hand in Hand for a better future.”
“I think it is increasingly hard to remind and keep at the forefront of our children’s minds the true meaning of Christmas. Find some small way to reach out to others in your community or church to show God’s love. You can buy toys for a family that does not have much for Christmas. We have done outreach programs with Tuklas Tayabas Historical Society on December 21, 2019, for the Aeta Community and children love it. May our children learn from us through our actions and word the true meaning of Christmas.” pagtatapos pa ng boss Chief Nimfa.
publisher ng Sentinel times.
No comments