Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pag-unlad ng San Luis, prayoridad ni Medina

By Lolitz Estrellado December 14, 2019 SAN LUIS, Batangas - Ang patuloy na pagpapaunlad sa bayan ng San Luis at ang paghahatid ng d...

By Lolitz Estrellado
December 14, 2019







SAN LUIS, Batangas - Ang patuloy na pagpapaunlad sa bayan ng San Luis at ang paghahatid ng de-kalidad na mga serbisyo publiko sa kanyang mga kababayan ay siyang prayoridad at tinututukan ni Mayor Danilo “Dan” De Castro MEDINA.

Sa isang ekslusibong panayam, sinabi ng butihing punong bayan na kabilang sa mga pangunahing programang pinagtutunan ng kanyang administrasyon ay ang ukol sa kabuhayan (livelihood), edukasyon, kaayusan at kapayapaan ng bayan (peace and order), kalusugan ng mga mamamayan, turismo, at kalinisan ng kapaligiran.

Ipinaliwanag ni Mayor Medina, “Malaki ang bahagi ng mga magsasaka sa pag-unlad ng San Luis. Sila ay masipag sa pagtatanim ng mga gulay, at kahit backyard farming, hindi lamang pansariling konsumo ang mga produkto, sapagkat nagsu-supply din sila sa mga karatig-bayan at pinagkakakitaan nila ito. Masisipag ang aking mga kababayan at marami sa kanila ay pagtatanim ng ibat ibang uri ng gulay ang hanap-buhay.”

At dahil dito, sinabi ni Mayor Medina na plano na niyang mag-tayo o magbukas ng isang bagsakan sa San Luis para hindi na umano mahirapan ang kanyang mga kababayan sa pagma-market ng mga produktong gulay.

“Sa ganitong paraan, direkta na ang mga mamimili sa bagsakan. Palalakasin natin ang programang para sa mga magsasaka, palalawakin natin para maging sentro ang San Luis sa vegetable farming,” dagdag na paliwanag ng magaling na mayor na nabigyan ng HIGH COMPLIANCE RATING ng Department of Interior and Local Governments (DILG).

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Naniniwala si Mayor Medina na ang edukasyon ay susi sa pag-unlad at pagkakaroon ng maayos na buhay, kaya naman suportado niya ang mga kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng scholarship grants.

“Sila ang pag-asa ng bayan, kaya sisikapin nating matulngan ang mga mag-aaral at paramihin pa ang ating scholars. Dito sa San Luis, mayroon tayong aeta na nag-aaral ay mga scholars din, humigit-kumulang sa 300 ang residente rito. At kahit naman sa mga senior citizens, may mga programa rin tayo na nakakatulong sa kanila, lalo na pagdating sa kanilang kalusugan,” ayon pa sa masipag na alkalde.

Pagdating sa peace and order, wala umanong problema ang kanilang bayan. Ang San Luis ang kauna-unahang bayan sa buong lalawigan ng Batangas at sa buong bansa na ideneklarang DRUG CLEAR sa ilalim ng pamamahala ni dating Mayor SAMUEL OCAMPO, at nagpa-patuloy hanggang sa kasalukuyan dahil na rin sa maayos na pamumuno ni Mayor Medina.

Bukod dito, ang mga mamamayan ng San Luis ay sadyang mga peace-loving at sumusunod sa batas, kaya maayos ang lahat.

“Kami mga tagarito, masaya kami dahil magaling na, ay matino pa ang aming Mayor Medina. Matapat sa tungklulin, at mahal niya ang buong bayan. Satisfied kami sa performance ng aming mayor. Lalo na ngayong Pasko, may pailaw sa mga parol na nakadisplay, may parol making contest, sa plaza ay nakapalamuti. Masaya ang Pasko namin, salamat kay Mayor Medina, salamat sa Diyos,” pahayag ng isang kapitan ng barangay na hindi na nagbanggit ng pangalan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.