Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagdiriwang ng Cooperative Month sa Batangas, dinaluhan ng may 1,500 miyembro

By Mamerta P. De Castro December 7, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Ipinagdiwang sa lalawigan ng Batangas ang Cooperative Month na dinaluhan...

By Mamerta P. De Castro
December 7, 2019


LUNGSOD NG BATANGAS - Ipinagdiwang sa lalawigan ng Batangas ang Cooperative Month na dinaluhan ng may 1,500 miyembro ng higit 350 kooperatiba na ginanap sa Provincial Auditurium sa lungsod na ito noong ika-6 ng Nobyembre.

Tampok sa pagdiriwang ang paglulunsad ng “Batangas :1 Strong Cooperative Movement” na layong isulong ang pagpapaunlad ng kooperatiba bilang katuwang ng mga miyembro nito sa pagbuo ng komunidad. Ito ay upang mas higit na mabuo ang Kilusang Kooperatba at pagtibayin ang plano tungo sa isang direksyon ang magkaroon ng “One Rich Cooperatives”.

Bilang tulong at suporta sa mga kooperatiba sa lalawigan, naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng P1M para sa regular loan assistance na tutulong sa pagpapatakbo ng negosyo. Sampung(10) kooperatiba na may pambihirang katangian ang napagkalooban ng tig-P200K.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Samantala, ginawaran ng plake ng pagkilala at premyo ang mga nagwagi sa Koop Quiz 1st Blast na ginanap kamakailan. Kabilang sa mga ito sina Andrea Rizelle Ng mula sa Batangas City na tinanghal na kampeon at sina Von Matthew Pangilinan mula sa bayan ng Laurel at Mark Lopez mula sa Sto. Tomas City na nakakuhan ng ikalawa at ikatlong puwesto.

Kinilala din ang mga kooperatiba na nagpamalas ng angking galing sa kanilang larangan kabilang ang Padre Garcia Development Cooperative na nagkamit ng Villar Sipag Awardee; Soro-Soro Multi-Purpose and Allied Services Cooperative mula sa Batangas City na nabigyan ng Gawad Saka Awardee dahilan sa tagumpay nito sa larangan ng agrikultura at pangisdaan at San Isidro Multi-Purpose Cooperative ng Batangas City para sa Dole Productivity Winner para sa micro,small and medium enterprise.

Tinanghal na Outstanding Local Cooperative Development Officer si Bb. Marciana Dagus mula sa lungsod ng Batangas; Outstanding Cooperative Development Council ang Nasugbu Municipal Cooperative Development council;at Outstanding Cooperative Manager si Bb. Aida Alano ng Tilambo Multi-Purpose Cooperative sa bayan ng Taysan.

Isa ang kooperatiba sa sektor na patuloy na pinapalakas ng pamahalaang panlalawigan upang mas mabigyan ng maayos na kita at katatayuan ang mga miyembro at opisyal nito. Kabilang ito sa mga priority programs na nakikitang magbibigay ng maayos at disenteng buhay sa mga Batanguenong miyembro nito. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.