Isa sa dalwang pawikang Olive Ridleyna nangitlog sa baybaying dagat ng SitioDalampasigan, Brgy. Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon pagkata...
Isa sa dalwang pawikang Olive Ridleyna nangitlog sa baybaying dagat ng SitioDalampasigan, Brgy. Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon pagkatapos umalis ng bagyong Tisoyn(Photo by Dan Dulaugon) |
December 7, 2019
SARIAYA, Quezon - Pagkatapos umalis ni Tisoy, isang hindi na pangkaraniwang nakikita, na pangingitlog ng 2 pawikang Olive Ridley ang nakunan ng video sa baybaying dagat ng Sitio Dalampasigan, Brgy. Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon.
Ayon sa Bantay Dagat na si Sherwin William Rosales ang unang nanay na pawikan ay nangitlog ng 101 peraso at ang isa namang nanay na pawikan ay 77 peraso. Ang nasabing video ay kuha ni Ginoong Dan Dulaugon.
Samantala sa Purok Matahimik, Brgy Cotta naman ay isang residente ang aktuwal na nakunan ng video na nagtatapon ng basura sa ilog habang bumabaha. Ang nasabing video ay mula sa post ni Rhenz Victor Zamora sa kanyang Facebook.
Ayon naman kay Juliet Borlon-Aparicio Area Director ng Tanggol Kalikasan Southern Luzon, “Nakakalungkot ang ganitong tagpo, na habang iniluluwal ng mga pawikan ang kanilang mga itlog ay patuloy naman ang mga taong tulad ng nakunan sa video ni Rhenz, na walang pakundangang nagtatapon ng basura na banta sa kaligtasan ng mga samu’t-saring buhay tulad ng pawikan.”
No comments