By Jay Silva Lim December 14, 2019 (Photo by Renante De Guzman) SARIAYA, Quezon - Isang pawikan na Leatherback marine turtle o Dermo...
December 14, 2019
(Photo by Renante De Guzman) |
Ayon kay Sherwin Rosales isang bantay-dagat at ngayon ay kawani ng Office of the Municipal Agriculture o OMA ng Munisipyo ng Sariaya, nakakabahala na ang nangyayari dahil hindi lang ngayon may naiulat na may namatay na pawikan sa kanilang tanggapan, dahil simula pa noong buwan ng Marso ay nasa anim na beses ito. Ayon kay Rosales nagsimula pa ito noong ika-16 ng buwan ng Marso ng kasalukuyang taon, nasundan pa ng dalawang magkasunodna ulat noong Abril 19 at 22 na pawang mga Green sea turtle o Chelonia mydas at pagkalipas ng anim buwan ay nasundan pa noong Nobyembre 26, 2019 ng ulat ng patay na babaing pawikang leatherback at ngayong ika-9 ng Disyembre, 2019 ay isa na naman uling babaing leatherback.
Sa pahayag ng bantay-dagat na si Renante De Guzman, hindi na pangkaraniwan at nakakapag-alala na ang ganitong pangyayari, kaya minabuti na nilang hilingin sa kinauukulan na siyasatin na at alamin ang kadahilan ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga pawikan dahil nakakapanghinayang at nakakalungkot na dito sa Sariaya na nagmamalasakit sa pawikan na may mahigit ng 5,000 newly hatch na pawikan ang napapakawalan simula pa noong 2012 pagtapos ay mismong dito naman mababalitaan ang mga nangangamatay na pawikan.
Matapos iulat ng mga Bantay-Dagat ng Sariaya sa kinauukulan agad namang pinuntahan ito noong ika-10 ng Disyembre ng Bureau of Aquatic Resources o BFAR at nagsagawa ito ng necropsy isang proseso ng pagsisiyasat sa kung ano dahilan ng ikinamatay ng hayop. At batay sa Necrospy Report ni Dr. Edmundo M. Amican isang beterenaryo mula sa tanggapan ng BFAR ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing leatherback marine turtle ay Drowning o Pagkalunod at batay sa report ay walang laman ang tiyan ng nasabing pawikan.
Ayon naman sa isang mangingisdang ang trabaho ay sa baklad na lubog na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil baka siya balikan ng may ari at nanangangapital sa baklad na lubog na ayon sa kanya ay pawang may mga impluwensya at opisyal ng local na pamahalaan malimit na nagkakaroon na talaga ng nata trap na pawikan sa mga baklad at nalulunod at yong iba ay hindi na narereport ibinabaon na lang.
Matatandaang pinitisyon na ng mga maliliit na mangingisda ang Baklad na lubog sa bayan ng Sariaya at Kaagad naman itong inaksyunan ng local na pamahalaan dahil ang mga asabing palakayang ito ay walang sapat na permit. Subalit ayon naman kay Rosales kahit wala ng mga baklad na lubog sa Sariaya at meron pa rin sa San Juan, Batangas, sa Lucena, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan at iba pang lugar ay mananatiling banta ito sa buhay ng mga pawikan.
Kaya naman napapanahon na dapat ng pag-aralan at o tuluyan ng ipagbawal ang paglalagay ng mga baklad na lubog, dahil hindi lang pawikan at iba pang buhay ilang ang maaapektuhan nito, baka pagdating ng oras ay kahit maliit na mangingisda ay muling uunti ang mahuhuling isda ayon pa kay Rosales.
No comments