November 30, 2019 (Gitna) Batangas City Mayor Beverley Dimacuha BATANGAS CITY - Nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng public hearing t...
(Gitna) Batangas City Mayor Beverley Dimacuha |
BATANGAS CITY - Nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng public hearing tungkol sa draft updated Batangas City Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2019-2028, City Comprehensive Development Plan (CDP2019-2025 at Integrated Zoning Ordinance (IZO) 2019 nitong Nov. 28 sa Batangas City Convention Center.
Nagkaroon ng presentation ang Palafox and Associates na siyang kinumisyon ng pamahalaang lungsod upang mag review at mag update ng naturang mga plano at zoning ordinance upang makabuo ng isang magandang development blueprint and lungsod sa hinaharap.
Ang Palafox Associates ay pinamumunuan ng isang world-renowned urban planner na si Arch. Felino Palafox, Jr. na siyang founder ng Palafox Associates.
Ang mga plano ay produkto ng halos dawalang taong taong pag-aaral at inputs ng mga departamento ng pamahalaang lungsod kung saan sila ay binuo bilang Technical Working Group at sumailalim ng planning workshop at capacity building. Kinuha rin ang inputs ng iba’t ibang sektor kasama ang academe upang makabuo ng isang comprehensive, inclusive at integrated plan.
Unang nagsagawa ng public consultation ang pamahalaang lungsod noong September 27, 2018 kung saan nagbigay ng kanilang mga suhestiyon, komento at rekomendasyon ang mga dumalong stakeholders bilang inputs sa ibayong updating ng mga plano at ZO.
Ayon kay Arch. Palafox, layunin ng mga planong ito na ang Batangas City ay maging’ smart, resilient, sustainable, walkable, bikeable city.”
Palalaguin dito ang tourism potential ng lungsod kagaya ng rehabilitation at development ng Calumpang River, Mt. Banoy, Isla Verde at iba pang aspeto ng turismo kagaya ng culinary, heritage, eco tourism, adventure, agricultural, farm at iba pa.
Isang esplanade ang balak ipagawa sa Calumpang River upang makapaglakad at makapamasyal ang mga tao.
Upang ma decongest ang poblacion, magkakaroon ng mga secondary growth centers at mixed land use upang mapalawak ang social at economic growth.
Naka envision dito ang pagkakaroon ng maraming open spaces, parks ,walk ways. bike lanes at parking areas.
Mayroon ding university town at bagong township kung saan matatagpuan ang lahat ng mga kailangang facilities upang maiwasan ang pagsisikip sa poblacion. Ang mga barangay na pinaplano para sa township ay Catandala, Mahacot Silangan at Mahacot Kanluran kung saan magkakaaroon ng mixed residential at commercial land uses.
Inaasahang magdudulot ng ibayong kaunlaran ang pagiging isang multi functional port city.
Kasama rin dito ang infrastructure development partikular ang mga kalsada at tulay para sa increased linkages at socio-economic access. Isa dito ang karagdagang tulay na magdudugtong sa City Hall, Plaza Mabini at SM City Batangas.
Nakapaloob din dito ang pagkakaroon ng traffic control system command center.
Ang iba pang components ay ang mainstreaming at integration ng disaster risk reduction and management at environmental protection and preservation.
Magtatayo ng mga medium-rise socialized housing bilang resettlement sites ng mga informal settlers partikular yuong mga nakatira sa mga high-risk areas kung saan magkakaroon ng economic activities para sa trabaho at livelihood ng mga residente dito.
Mayroon ding mga components para sa water supply at pagpapalago ng agricultural production sapagkat nanatiling pinakamalaki ang land use para sa agrikultura kung kayat dapat mapakinabangan ang mga idle agricultural land.
Narito rin ang good governance component kung saan nilalayong maging ISO- certified ang pamahalaang lungsod kung saan ito ay sumusunod sa international standards.
Ang major development goal ng mga plano ay maiangat ang kalidad ng buhay ng mga taga lungsod at maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng mga socio-economic investments.
Ayon kay Mayor Beverley Dimacuha ang direksyon ng kanyang administrarsyon ay hindi lamang ang kaunlaran kundi ang pagkakaroon ng magandang values sa pamamagitan ng kanyang programang Eto Batangueno Disiplinado na siya niyang gustong maging isa sa kanyang legacies.
Sinabi naman ni Cong. Marvey Marino na patuloy ang infrastracure development ng lungsod kasama na rito ang ginagawang Startoll-Pinamucan Bypass Road at ang construction ng overpass sa Balagtas sa isang taon.
Pagkatapos ng public hearing na ito, magsasagawa ng mga committee hearings ang Sangguniang Panlungsod, evaluation ng Public Hearing and Consultatin Board ng mga comments at position paper ng mga nagsumite at ang refinement ng draft CLUP at ZO. Ang final draft ay isusumite sa SP para sa approval nito at pagkatapos ay isusumite sa Sangguniang Panlalawigan para din aprubahan.
No comments