Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SA PROBLEMA SA TUBIG SA SAN PABLO, VICE GOV AGAPAY MAY PANUKALA

By Balitang Laguna Ngayon December 28, 2019 San Pablo City Water District (SPCWD) mariing hinimok na ibalik sa mga konsyumer nito a...

By Balitang Laguna Ngayon
December 28, 2019






San Pablo City Water District (SPCWD) mariing hinimok na ibalik sa mga konsyumer nito ang bahagi ng kanilang ibinayad o’ pansamantalang itigil ang paniningil sa mga residente ng Lunsod ng San Pablo na apektado ng problema sa kakulangan ng supply sa tubig. Ito ang nilalaman ng Resolution No. 771, Series of 2019, na inaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan sa ika-23rd regular session nito, kung saan si Vice Gov Atty. Karen Agapay ang may akda kasama ang kanyang mga co-authors na sina Bokal Angelica Jones Alarva at Bokal Abi Yu ng 3rd District at Bokal Yancy Amante na Presidente ng SK sa Laguna.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang panukala ay bunga na rin ng personal na pagsasaliksik at pakikipanayam ni Vice Governor Agapay at ng kanyang mga kasamahan sa karaingan ng kanilang mga kababayan sa San Pablo. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang nasabing problema dahil sa mga nagdaang buwan ay sadyang nawawala ang supply ng tubig sa mga gripo, at nagkakaroon man subalit hindi ito puwedeng inumin o di kaya’y di mo na malaman ang tamang iskedyul kung anong oras darating ang nasabing supply ng tubig. Mga dahilang labis na idinadaing ng kanilang mga konsyumers. Sa katunayan, sa bisa ng Resolution 249, Series of 2019 ng Sangguniang Panglunsod ay idineklarang nasa State of Calamity ang lunsod dahil sa krisis sa tubig sa lungsod.

Ilang buwan na ang nakalipas subalit sa kabila ng pagsusumikap ng Board ng SPCWD, maging ng lokal na pamahalaan ay hindi pa rin Ito masolusyunan. Isang problemang walang sinuman, SPCWD o’ mga konsyumer, ang may kagustuhan.

Kaya't batay sa isinulong na panukala ni Vice Gov Agapay, magandang hakbang ang magbigay ng rebate o’ suspendihin pansamantala ang paniningil ng SPCWD hangga't di pa nabibigyan ng solusyon ang kakulangan sa supply ng tubig, batay na rin sa umiiral na batas tungkol sa karapatan ng mga consumers.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.