December 7, 2019 Paskuhan sa Kapitolyo nitong Disyembre 5, 2019 sa Perez Park, Lungsod ng Lucena. Bagamat nakaranas ng matinding unos ...
Paskuhan sa Kapitolyo nitong Disyembre 5, 2019 sa Perez Park, Lungsod ng Lucena. |
Bagamat nakaranas ng matinding unos ang Quezon sa bagyong Tisoy damang dama pa rin ang diwa ng Pasko sa lalawigan.
Pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez ang traditional Switch On and Lighting Ceremony o ang seremonyal na pag-iilaw ng 65 ft Christmas tree na nagsilbing hudyat sa pagsisimula ng selebrasyon ng Paskuhan sa Kapitolyo nitong Disyembre 5, 2019 sa Perez Park, Lungsod ng Lucena.
Nakiisa rin sa selebrasyon sina 3rd District Representative Aleta Suarez, Vice Governor Samuel B. Nantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ilang punong bayan, mga pinuno ng tanggapan at ilan pang mga piling bisita mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Libo-libong mga Quezonian ang dumalo sa nasabing pagdiriwang kung saan pinasimulan ito ng isang banal na misa na sinundan ng isang konsyerto tampok ang Oroquieta Chamber Singers, Our Lady of the Most Rosary Seminary Chorale, Quezon Science Madrigal Virtuosos at St. Alphonsus Regional Seminary.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Gob. Suarez sa ating Panginoon at sa lakas loob ng mamamayan. Aniya, ang kapaskuhan ay simbolo ng pinakamagandang regalo na ating natanggap mula sa maykapal bukod sa kinakatawan nito ang kapanganakan ni Hesukristo, ito ay pahiwatig rin upang mas lalong pagtibayin ang ating paniniwala at pananampalataya.
Gob. Suarez |
Ayun pa sa kanya ito rin ay isang paalala sa ating lahat, na sa kabila ng unos na dumaan sa ating bansa bunsod ng bagyong Tisoy, higit nating ipagdiwang ang diwa ng pagbibigayan, pagtutulungan, at pagmamahalan.
“Mula sa aming pamilya, nais kong ipahatid sa aking kalalawigan ang aking pagbati ng Maligayang Kapaskuhan sa Inyong lahat. Ipagdiwang natin ito nang buong galak at nang may pasasalamat. Gamitin rin natin ang panahong ito upang mas lalo nating maipahatid sa bawat isa ang pagmamahal at pagkakaisa na syang susi upang pagbigkisin ang bawat mamamayan ng ating lalawigan. At nawa ay patuloy nating matamasa ang biyaya at pagpapala ng Poong Maykapal”, dagdag pa niya.
Hangad ng ama ng lalawigan na makapagbigay ng kasiyahan para sa mga kababayang kanyang pinaglilingkuran kaya naman minabuti ng pamahalaang panlalawigan na maging payak ang selebrasyon ng pasko sa kapitolyo. Dahil dito minabuti na lamang na ilaan ang pondo para sa tradisyunal na fireworks display sa pagtulong sa ating mga kababayang sinalanta ng bagyong Tisoy nitong nagdaang araw.
Siniguro rin ni Suarez ang patuloy na paghahatid ng mahusay na serbisyo mula sa kanyang administrasyon sa mga darating pang buwan at taon ng kanyang paglilingkod bilang gobernador ng lalawigan.-(Quezon-PIO)
No comments