Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Trahedya sa Pasko at Pag-asa sa Bagong Taon

Editorial December 28, 2019 Nagmamadali talaga ang panahon. Napakabilis. Busy ang mga tao sa paghahanda para sa Pasko, kamkat-mukat ...

Editorial
December 28, 2019



Nagmamadali talaga ang panahon. Napakabilis. Busy ang mga tao sa paghahanda para sa Pasko, kamkat-mukat ay nakalipas na agad. Disyembre 28 na ngayon, apat (5) na araw na pala agad makaraan ang Araw ng Pasko, pero hindi pa tapos ang selebrasyon o pagdiriwang ng mga Pinoy. Ang pinakamahabang Pasko ay dito lang sa Pilipinas nagaganap. Only in the Phlippines.

Marami naman ang namatay sa Lambanog. Umakyat na sa 22 katao ang nasawi sa lambanog sa Quezon at Laguna. Pinayuhan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na bawasan ang pag-inom. Ngunit kung hindi maiwasan ay maging mapanuri sa inumin at tiyaking meron itong Certificate of Product Registration mula sa Food and Drug Administration.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang masaklap lang, binagyo din ang ating Pasko. May mga lugar na sinalanta ang bagyo na si Ursula, at ang iba pang bahagi ng bansa ay inulan, malalakas at matitinding buhos ng ulan, kaya naman ang karamihan sa mga bata ay malungkot. Hindi sila nakaikot para mamasko sa mga ninong at ninang; sa mga kamag-anak at kaibigan.

Ang iba, nagpalipas na lang ng oras sa kanilang bahay at ang iba naman ay nagpilit pang lumabas at sa mga malls na lamang umistambay. Hindi naman umano kasing lakas nag mga nagdaang bagyo si Ursula, pero marami pa rin ang nasalanta.

Magpasalamat pa rin tayo sa Diyos na sa Araw ng Pasko ay naging masaya pa rin tayo sa kabila ng delubyo at pagsubok. Itinuring na lang natin ito na basbas ng Diyos para sa mga biyayang ipagkakaloob sa atin sa bagong taong 2020. Ang ulan daw ay basbas ng Diyos, medyo napalakas at naparami lang ang buhos kaya naging bagyo. Maging POSITIBO na lang tayo, tanggapin nang may PAG-ASA ang bagong taon, sa kabila ng binagyong Pasko. At sana huwag nating kalimutang magdasal. Ipanalangin natin ang kaligtasan ng mga biktima ng kalamidad at namatay dahil sa Lambanog kung anuman mayroon tayong maibabahagi sa kanila, tulungan natin silang makabangon. Maligayang Pasko pa, at Masaganang Bagong Taon. Tatlong tulog na lang. 2020 na.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.