December 14, 2019 Governor Danilo Suarez Lucena City - “Lahat kayo winners na”, ito ang nagkakaisang pahayag nina Mayor Dondon Alcala a...
December 14, 2019
Governor Danilo Suarez |
Ayon kay Suarez “sa kanilang iniukol na panahon sa mga pagsasanay at lahat ng sakripisyo ginawa nila, magbubunga yan because they are here to show their talent and their skill in this very important event”.
Kaya naman sa pagsisimula pa lamang ng triangular meet ay nagpahatid na ito ng kanyang pagbati sa lahat ng mga manlalaro at sa mga miyembro ng drum and lyre band na nanggaling pa sa ibat ibang bayan at eskuwelahan sa lalawigan.
Masaya naman ang mga manlalaro at mga miyembro ng lyre band dahil ang premyo sa drum and lyre band competition ay dinoble ni Governor Suarez.
Ang dating 25 thousand pesos na consolation prize ay naging 50 thousand pesos, and second runner up na 50 thousand pesos ay naging 100 thousand pesos, ang first runner up naman ay naging 150 thousand pesos at ang magiging champion sa naturang competition mula sa elementary at secondary level ay tatanggap ng dalawang daang libong piso plus thropy at certificate of appreciation.
Kabilang sa drum and lyre band competition na nanalo mula sa elementarya ay ang bayan ng Lucban na nasungkit ang 2nd runner up, First runner up ang bayan ng General Luna, tinanghal namang kampeon ang bayan ng Tagkawayan at tumanggap naman ng consolation prize ang lyre band ng Lunsod ng Lucena.
Sa Secondary level nagkampeon ang Lopez Comprehensive National High School mula sa bayan ng Lopez, ikalawa ang bayan ng Mauban, ikatlo ang bayan ng Agdangan at consolation prize naman ang nakuha ng Lucena City National High School.
Samantala, nagpasalamat naman ni Suarez sa lahat ng mga tumutulong sa isinasagawang relief operations ng pamahalaang panlalawigan para sa mga nasalanta ng bagyong si Tisoy sa mga bayan ng San Andres, San Francisco, San Narciso at Mulanay, Quezon.
Ang nasabing mga bayan aniya ang lubhang napinsala ng nasabing bagyo lalo na sa kanilang mga panannim na saging, mais at niyog kayat nangangailangan ang mga ito ng agarang tulong mula sa nasyunal at lokal na pamahalaan.
Sa ngayon ay second batch na ng relief goods ang ipinadadala nila sa mga nabanggit na bayan dahil marami pa rin tayong mga kababayan na nawalan ng tahanan kaya’t siniguro ni Gov. Suarez na laging may makahandang relief goods para sa kanila.
Dagdag pa ni Suarez na patuloy din silang nangangalap ngayon ng tulong at suporta mula sa nasyunal na pamahalaan para matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga naging biktima ng nasabing bagyo. (Quezon-PIO)
No comments