By Nimfa Estrellado December 14, 2019 Ang magkapatid na sina Bien Zoleta-Mañalac at Bambi Zoleta na kapuwa taga-Lunsod ng Lucena....
By Nimfa Estrellado
December 14, 2019Ang magkapatid na sina Bien Zoleta-Mañalac at Bambi Zoleta na kapuwa taga-Lunsod ng Lucena. (Photo by Bien Zoleta-Mañalac) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nagkamit ng gintong medalya at siyang tinanghal na champion sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) Soft Tennis Women’s Double ang magkapatid na sina Bien Zoleta-Mañalac at Bambi Zoleta na kapuwa taga-Lunsod ng Lucena. Si Bien Zoleta-Mañalac ay nanalo rin ng isa pang gintong medalya sa Soft Tennis Women’s Single naman.
Lumaki sina Bien, 30, at Bambi, 27, sa ordinaryong middle-class family sa Lucena City, Quezon. Parehong graduate ng Mary Hill College ng elementarya at high school. Nagtapos naman ng kolehiyo sa De La Salle College of St. Benilde na parehong atletang-iskolar, si Bien sa kursong Bachelor of Arts major in Consular and Diplomatic Affairs (AB-CDA) at si Bambi naman sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BS HRM). Meron din silang tennis camp sa Lungsod ng Lucena, ang Zoleta Lucena Tennis Center.
Sa isang eklusibong telephone interview sa magkapatid na kampiyon, sinabi ni Bien nagsimula ang tennis sa mga kuya nila kila Borgy at Karl. Inienrol ng magulang nila sa Milo Tennis Clinic noong mga bata pa sila ang dalwa nilang kuya noong nagkaroon ng Milo Tennis Clinic sa Lucena. At dahli sa sa hangarin ng kanilang mga magulang na matiyak ang kanilang edukasyon, na makakapagaral sila sa kolehiyo nang may tulong mula sa gobyerno sa pamamaghtan ng scholarship grant, hinubog nito ang kanilang talento sa tennis na siyang naging daan para sila makakuha ng educational assistance. Ayon pa kay Bambi maaga sila nagstart ni Bien. Siya ay 3 years old, si Bien naman ay 5 years old.
Sa tanong na kung may nagtrain sa kanila, anila sa part ng national team meron mga nagko-coach pero nung nagsimula sila sa Milo Clinic yung mga kuya nila ang nagko-coach sa kanila at hanggang ngayon sila rin yung nagrereview ng stroke nila from time to time. Sa SEA Games National Team coach na ang nagtrain sa kanila.
“Nagustuhan namin ang tennis kasi yung mga kuya namin nakikita namin na nagtatravel sila sa iba’t ibang lugar tapos nakikita namin na nagkakaroon sila ng trophy at medal saka bukod pa doon ang dami nilang kakilala at ang dami nilang kaibigan, so nung time na mga bata pa kami siyempre ni lo-look up namin ang kuya namin kasi ang dami nilang friends tapos lagi silang masaya” pagkukuwento pa ni Bien.
Nirepresent nila ang Lucena sa Southern Tagalog Regional Athletics Association (STRAA), CALABARZON Region IV sa Palaraong Pambansa, Batang Pinoy at Manila Tournament at International Tournament na. Nagsimula sila sumali sa International tournaments ng earliest 10 years old.
Puspusan ang paghahanda ang ginawa ng Zoleta sisters sa pagsabak sa kanilang laban sa SEA Games. Kuwento pa ni Bien lagi sila magkasama sa training ni Bambi dahil sila ang doubles partner. Kailangan alam nila kung nasaan at kung ano ang schedule ng isa’t isa. Aniya even or after ng training ang disiplina ng sport sa Soft Tennis ay mahalaga, kailangan tutok, dapat natutulog ng maayos, kumakain ng tama. Ganoon kaintense ang training dagdag pa ni Bien.
“Days before ng laban namin dinodouble check namin at inaalagaan ang isa’t isa, kung umiinom ba ng vitamins, kumakain ba ng tama sa oras, during the match naman nagaalalayan kami kung paano maglalaro, nag-uusap, nag eevaluate, nag-aassess ng kalaban so para maganda ang communication pagdating sa loob ng court.” paliwanag pa ni Bien.
Ayon pa kay Bien, ang kanilang tagumpay ay iniaalay nila, una sa Diyos, pangalawa sa kanilang pamilya, at pangatlo ay sa Bansang Pilipinas at sa Lungsod ng Lucena, “Since yung SEA Games ay ginawa sa Manila, siyempre yung prepation yung pressure din kailangan talaga magkaroon ng sense of responsibility kasi buong family manunuod, yung crowd, ang team inspiration din namin, para sa bayan, lahat ng makukuhang result ay siyempre para sa bayan.” pahayag ni Bien.
“Hindi naman talaga expected na mananalo na sure gold talaga siya but siyempre aim namin talaga noon mag gold kasi sa Southest kasi Indonesia at Thailand yung pinaka malakas na nakalaban namin so expected namin na mahihirapan kami sa laban namin,” sagot ni Bien sa tanong na kung expected ba nila ang kanilang pagkakapanalo.
Para kila Bien at Bambi sobrang sarap sa pakiramdam maging champion sa SEA Games. Unang una sa lahat masaya bukod sa kanila nakilala yung sports nila na Soft Tennis, napanuod ng Pilipino kung ano nga ba ang Soft Tennis at nalaman din ng mga tao kung saan sila nanggaling.
Next year preparation nila ang Asian Championship dahil kailangan naman nila idefend bronze medal for Asian level but for now after SEA Games.
“Gusto ko lalo lumawak yun range o scope ng Soft Tennis sa bansa kasi through sports pwede makapag aral ng libre lalo na sa mga parents na gusto makapag aral yung anak nila sa Manila. Sa Soft Tennis may scholarship, sa Manila mga National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang schools katulad namin na nagtapos sa Manila na scholar.” sabi pa ni Bien.
Sa isyu ng mga kontrobersiya sa hosting ng Pilipinas sa SEA Games ani ni Bien hindi ito nakaapekto sa kanila, “Kung ano man narining namin, naka focus lang kami sa tournament, sa performance. Yung mga experiences ng ibang delegates na sinasabi sa social media na experience din namin sa international. Kung made-dwell kami sa situation naganun masisira ang performance. Yung venue at coordination ng team Philippines sa event namin wala naging problema sa sport maayos nagsimula at natapos na maayos ang event.”
Advance Merry Chrstmas naman ang mensahe nila sa kanilang fans aniya nagpapasalamat sila sa suporta at nagdasal at mga kaibigan ng pamilya nila na nagpapray over at dumayo pa ng Lucena at ibang lugar sa Quezon. Ganun na rin sa mga nagshare ng post sa social media para malaman na may taga Lucena na lalaro sa SEA Games, likers at nagpost. Kay Lucena Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Governor Danilo Suarez yung dahil yung page nila ang nakita nila na nag-share na sila ang lalaban sa SEA Games.
16 mula sa 5, 630 mga atleta sa Team Philippines SEA Games ay mula sa Lalawigan ng Quezon. Siyam (9) sa kanila ay nagwagi ng medalya sa SEA Games na ginanap noong November 30 hanggang December 11, 2019, kabilang na nga ang magkapatid na Zoleta. Gintong medalya rin ang nakamit ng Pagbilaoin cyclist na si Gintong medalya rin ang nakamit ng Pagbilawin cyclist na si Jermyn Prado sa Cycling Women’s Individual Time Trial (ITT). Silver medal naman ang kaniyang nakuha sa ikalawa niyang laban.
Nag-uwi ng gintong medalya mula sa women’s softball event ang Philippine Blu Girls kung saan miyembro ang tubong-San Francisco na si Elsie Dela Torre. Medalyang ginto rin ang iniuwi ni Cris Nievarez sa Rowing Lightweight Men’s Single Sculls. Taga-Atimonan si Nievarez. Isang silver medal at isang bronze medal ang nakamit ng Men’s Underwater Hockey team ng Pilipinas sa 4x4 at 6x6 events. Kabilang sa koponan ang Lucenahin na si Cesar Marasigan III.
Silver medal ang nakamit ng Philippine Taekwondo Freestyle Poomsae Mixed Team, kung saan miyembro si Darius Venerable ng Candelaria. Silver medal din ang nasungkit ng Men’s Volleyball team ng bansa. Isa sa mga miyembro nito ang tubong-Perez na si Kim Malabunga. Bronze medal ang nakamit ng Women’s Indoor Hockey team. Kabilang dito si Paula Jean Dumaplin ng Lucena City.
Samantala, itinanghal na over-all champion ang Pilipinas sa 30th SEA Games, matapos magkamit ng 149 gold medals, 117 silver medals, at 121 bronze medals, o kabuuang 387 medals. - may ulat mula sa Radyo Pilipinas Lucena
No comments