November 30, 2019 Lucena City - Mahigit tatlong daang book lovers at zumba goers ang nakiisa sa paglulunsad ng Zumbook o book drive na p...
Lucena City - Mahigit tatlong daang book lovers at zumba goers ang nakiisa sa paglulunsad ng Zumbook o book drive na pinangunahan ng Librarian’s Association of Quezon Province-Lucena Incorporated.
Ayon sa kasalukuyang pangulo ng samahan na si Isabel Noreen R. Rairata anim na taon na nilang ginagawa ang proyekto at napakarami na ring library mula sa ibat ibang bayan sa lalawigan ang nabiyayaan ng proyekto.
“Dati ang pangalan ng project ay Takbook pero noong 2014 dahil nakita naming mahirap mag maintain ng project ay ginawa na namin siyang Zumbook from the word zumba and book, para makapag-zumba kayo ay mga libro ang ibibigay sa registration.”
Layon ng book drive na makalikom ng mga libro na siyang pagsisimulan o pandagdag sa mga naitayo na at itatayo pang library sa ibat-ibang eskuwelahan, bayan at komunidad.
Kabilang naman ang bayan ng General Luna sa mabibigyan ng mga libro bilang pagsisimula ng kanilang municipal library sa pakikipagtulungan ni Mayor Mat Florido at ang Aeta community library.
“In Zumbook you get to exercise, flex your dancing skills, meet new friends, get in touch and reconnect with old friends, meet your barkadas and at the same time help the community by donating books”, ang pagbibigay diin pa ni Rairata.
Sa ngayon aniya hindi magtatagumpay ang kanilang advocacy kung walang silang makakatuwang kaya nagpapasalamat ang samahan sa mga nakiisa at nagdonate ng libro dahil kung hindi sila sumporta at nagbigay ng libro wala rin silang ibibigay sa mga Municipal library.
Bukod dito nagpasalamat din sila sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo Suarez at sa pamunuan ng Quezon Provincial Library.
“Gusto ko sana na i-encourage pa yung iba na hindi pa nakakasama sa zumbook, marami pa tayong taon na puwedeng pagsamahan at marami pa tayong mga libraries na puwedeng tulungan, sana’y laging bukas ang inyong loob sa pagtulong sa ating mga kababayan”.
Ang 29th library and information science month ay may tema na “Inclusive, Innovation, Interconnected.”(Quezon-PIO)
No comments