Janaury 4, 2020 MULANAY, Quezon - Nasawi ang limang miyembro ng pamilya matapos mabangga ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle b...
Janaury 4, 2020
MULANAY, Quezon - Nasawi ang limang miyembro ng pamilya matapos mabangga ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle bandang alas-8:30 ng umaga kahapon, December 31, sa Mulanay, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Benny Jay Rejano Reymundo, 33 taong gulang at driver ng tricycle; Manny Rejano Reymundo, hindi natukoy ang edad; Cristy Napalit Bercero, 23 taong gulang; Crisjane Bercero Reymundo, apat na taong gulang; at Crisjay Bercero Reymundo, isang taong gulang.
Pawang mga residente ng Brgy. Ikirin sa Pagbilao, Quezon ang limang nasawi.
Kinilala naman ang suspek at driver ng commuter van bilang si Arnel Auriada Tesico, 44 na taong gulang, at residente ng Brgy. Poblacion, San Andres, Quezon.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Ayon sa pulisya, sakay ang mga biktima ng tricycle na walang plate number habang binabagtas ang highway patungo sa Mulanay town proper, nang aksidente silang mabangga ng nag-overtake na van na minamaneho ng suspek.
May plate number ang van na DAI 4691, na patungo ng Catanauan, Quezon.Nagtamo ng malalang injury ang mga biktima, na idineklarang dead on arrival sa ospital.
Tumakas naman ang suspek, na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad. Nahaharap ito sa kasong Multiple Homicide at Damage to Property. (Radyo Pilipinas Lucena)

No comments