By Sentinel Times Staff January 18, 2020 Ang plastik ang isa sa malaking problema na kinakaharap ng bayan ng Gumaca kahit mayroon na...
Ang plastik ang isa sa malaking problema na kinakaharap ng bayan ng Gumaca kahit mayroon nang "No Plastic Policy". Upang mabawasan ang kalat at pagtatapon ng mga basura sa dagat, mga daanan, at kanal inilunsad ang “Alay sa Kalikasan Katuwang Ang Mamamayan” Palit Bigas Program nitong nakaraang Enero 14,2020 sa Gumaca East Elementary School.
Pinangunahan at ipinaliwanag ng Kuya ng Bayan Mayor Webster D. Letargo sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan at kung paano sila makatutulong kahit sa munting paraan. Ang isang maliit na hakbang ay magsisimula sa isang maliit na bagay
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Isang paraan ay ang pag-iipon ng eco-plastic upang gawing eco bricks bilang pangunahing materyal sa pagpapagawa ng mga bakod at iba pang istruktura sa bayan ng Gumaca. Ang isang kilong eco plastic ay pinalitan ng isang kilong bigas. Ang eco-plastic ay ang mga ginupit-gupit na balat ng kendi,tsitsirya at mga balat ng sabon, inilalagay ito sa mga 1.5 litro na bote at ipinapasa sa mga guro na sya naman nilang iniipon. Malaki ang maitutulong nito sa pagbabawas ng basura, busog pa ang mamamayan.
Buong suporta naman ang ipinakita ng GECS sa pangunguna ng Punongguro Gng. Merlita Natividad,na nakaipon ng 138 and ½ kilo ng eco plastics. Lalong naenganyo ang mga mag aaral at nangako na ipagpapatuloy ang pangongolekta ng mga eco-plastic para makatulong sa pamayanan.
Sinisikap ngayon ng bayan ng Gumaca na tumulong sa paglilinis ng kalikasan at paghahanap ng alternatibong paggagamitan nito upang maging inspirasyon na rin sa iba pang mga bayan.

No comments