Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong Taon, Bagong Pag-asa

Edtorial January 4, 2020 Labing dalawang (12) buwan na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon. Ang bilis talaga, palaging nagmamadal...

Edtorial
January 4, 2020





Labing dalawang (12) buwan na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon. Ang bilis talaga, palaging nagmamadali ang oras.

2020 na! Year of the Metal Rat. Taon ng Daga sa kalendaryo ng mga Instik. At ayon dito, ang taon ay "Year of New Beginnings, mga baong oportunidad o pagkakataon para makahanap ng tunay na pag-ibig at kumita ng mas malaki o maraming pera. Ang taong 2020 ay magiging matagumpay. Ayon pa rin sa kalendaryo ng Instik, ang Year of the Rat ay 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032.

Paalala lamang, magiging matagumpay ang anumang nais pasukin kung ito ay "carefully planned" o maingat/maayos na pinlano o binalak.

Kung babalikan natin sa isip ang 2019, mayroong mga pangyayaring hindi maganda, kalunos-lunos, at nakakaiyak. Subalit mas marami naman ang nakakatuwa, nakaka-inspire, at nagbibigay saya at mga biyaya sa atin.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




"Let us not look back and dwell in the past but let us look forward with HOPE."

Ang anumang dinanas natin na hindi maganda ay gawin na lang nating tuntungan sa pagbangon, kunin natin ang ARAL upang hindi na maulit muli, at higit sa lahat, ituring nating HAMON o CHALLENGE upang tayo ay magpatuloy sa pagsisikap, maging matapang at matatag sa paglalakbay sa dagat ng buhay.

Maaliwalas and bungad ng 2020. Maganda at magaan ang pahiwatig nito, na kung magiging basehan at inspirasyon natin sa paghanap sa panibagong buhay ay tiyak na maghahatid sa atin ng PAG-ASA, KATUPARAN NG TAGUMPAY at MASAGANANG KINABUKASAN.

Maging positibo tayo, iwaksi na ang galit at pagkawatak-watak, magkaroon tayo ng malasakit sa ating kapuwa, at higit sa lahat, mamuhay nang simple at ilagay sa gitna ng ating buhay ang Diyos.

Bagong taon, bagong pag-asa. Ang pag-asa, dagdagan natin ng aksyon o pagkilos at tiyak, hindi tayo mabibigo.

HAPPY PROSPEROUS NEW YEAR PO SA ATING LAHAT. MABUHAY!!!

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.