By Lolitz Estrellado January 11, 2020 BATANGAS CITY - Nagpapaabot ng mahigpit na babala at paalala sa publiko ang Batangas Provincial...
January 11, 2020
BATANGAS CITY - Nagpapaabot ng mahigpit na babala at paalala sa publiko ang Batangas Provincial Health Office (PHO) laban rabies na dulot ng kagat ng mga alagang hayop tulad ng aso.
Sa isang ekslusibong panayam kay Batangas Provincial Health Officer, Dr. Rosevilinda Ozaeta, binalaan nito ang mga tao na umiwas sa rabies; sumunod sa batas Republic Act 9482 na nagtatakda ng pagpapabakuna sa mga alagang aso taon-taon.
Ipinaliwanag ni Ozaeta na ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng virus na nakaapekto sa cenrtal nervous system.
"Ang rabies po ay naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng hayop na may rabies tulad ng aso, o kapag nalagyan ng laway ng hayop na may rabies ang sariwang sugat o gasgas. Ang rabies ay laganap sa buong Pilipinas. Naitala na ang insidente ng rabies na ang insidente ng rabies sa tao dito sa ating bansa ay isa sa pinakamataas sa buong daigdig," paliwanag ng mabait at masipag provincial health officer ng Batangas.
Bawat madapuan ng rabbies ay 100 porsiyentong namamatay, ayon pas sa talaan ng DOH.
Nagbigay rin ng payo si Ozaeta ukol sa kung ano ang dapat gawin kapag nakagat o nasugatan ng aso, tulad ng mga sumusunod:
1. Hugasan agad ng sabon at tubig ang sugat.
2. Pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC).
3. Ipaalam sa kinauukulan o concerned officials, tulad ng barangay officials, health workers, police officers o government veterinarians. (ayon sa RA 9482)
4. Huwag Magpagamot sa tandok o albularyo.
Para sa kaalaman ng lahat, ang Animal Bite Treatment Centers sa Lalawigan ng Batangas ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar:
1. BATANGAS Provincial Health Office ABTC
Kumintang Ibaba, Batangas City; 043-7232916 / 7233285
2. BATANGAS CITY HEALTH OFFICE ABTC
P. Burgos St., Batangas City; 043- 7232472
3. CALATAGAN RHU ABTC
Calatagan, Batangas; 043-2132018
4.DON MANUEL LOPEZ MEML DIST HOSP ABTC
Balayan, Batangas 043 9211842 / 09263246510
5. LAUREL MEMORIAL DISTRCIT HOSPITAL ABTC
Brgy. Ambulong, Tanauan City; 02-7840958 / 09284440238
6.LIPA CITY HEALTH OFFICE ABTC
Inosluban, Lipa City; 043 7842521
7.LIPA CITY DISTRICT HOSPITAL ABTC
Brgy. 7, Granja, Lipa City; 09183669164
8. SAN JUAN RHU ABTC
San Juan, Batangas; 043-575-4556 / 09185187769
9. TANAUAN CITY HEALTH OFFICE ABTC
Tanauan City, 043-7786552January 11, 2020
No comments