Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Bushfires at Polusyon sa Hangin

By Randz Remontigue Sagip Kalikasan January 11, 2020 Umaabot na sa 12.35 M acres o kulang kulang 5 milyong ektarya na ang lawak ng s...

By Randz Remontigue
Sagip Kalikasan
January 11, 2020


Kaugnay na larawan


Umaabot na sa 12.35 M acres o kulang kulang 5 milyong ektarya na ang lawak ng sunog sa Australia sa pamamagitan ng mga bushfires, halos dobleng sukat na ito ng bansang Belgium.

Mas malaki pa rin ito kahit pagsamahin pa ang bushfires sa California noong 2018 na may 1.9M acres o higit sa pitong daang libong ektarya at 2.24 acres o kulangkulang 9 na daang libong ektarya sa Amazon rain forest ng brazil nitong 2019.

Ang apoy ay tumataas ng 70meters mas mataas pa sa sydney opera house, higit na sa 20 ang namamatay at nasa 1500 na kabahayan na ang nasususnog at ang matindi dito tinatayang higit sa 500M na hayop na ang namamatay sa bahagi palang ng news Southwales.

Hindi na bago sa bansang ito ang bushfire bunsod nga ng matinding tagtuyot pero itong taong 2019 ang pinakamatindi dahil nagsimula pa ito noong buwan ng Setyembre 2019.

Sinasabi ng mga siyentipiko na posibleng maging ganito na lagi o mas palala pa ng palala ang kalagayan ng Australia lalo na sa pagdating ng summer at habang tumitindi rin ang epekto ng climate change.

Sa paliwanag ni Jeff Berardelli, meteolorogy and climate specialist sa australia

Sa nakalipas na 3 taong tagtuyot, 2019 ang pinaka mainit at pinaka tagtuyot na panahon naitala sa Australia, nalampasan na rin ang pinakamainit na temperaturang naitala sa kanilang bansa na 107'F.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang sanhi umano nito ay ang dipole indian ocean pattern, 2019 ang may pinakamatindi na indian ocean dipole.

Ang pag init ng kanlurang bahagi ng indian ocean at paglamig naman sa silangang bahagi , ang pagtaas ng maiinit na hangin sa bahaging may mainit na karagatan ang sanhi malilit na pag ulan sa bahagi ng africa samantalang ang malamig namang temperatura sa silangang bahagi ang siyang nakapagpainit at di nagpaulan sa bahagi ng Indonesia at Australia.

Isang pattern ito ng sinasabing climate change, at habang lumilipas ang mga taon itoy patindi ng patindi sa bansang Australia.

Sa datos kase ng Australian Bureau of Meteorology, sa mga taong 1910 to 1920 ay halos walang naitatalang extreme heat days sa bansa pero sa paglipas ng panahon, nag aavearge na ngayon ng 15 extreme heat days. Dagdag pa rito ang patuloy na pagtaas ng temperatura sa dagat at sa atmosphere.

Ang mga ito ang dahilan kung bakit ganoon nalamang kadami ng mga bushfires sa australia at ganoon din naman sa iba pang panig ng mundo tulad sa amerika.

Polusyon sa Hangin

Kumpara noon hindi na ganoon kadami ngayon ang gumagamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon. Mas hinigpitan na kase ang pagbabantay sa pagbebenta at paggamit ng mga malalakas na paputok.

Ganoon paman marami pa rin naman ang pinahihintulutang magamit at ebenta, ganoon din ang pagpapahintulot at pagpopromote pa nga ng mga fireworks display.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kung kaya naman ang polusyon sa hangin na iniiwan ng lumang taon at sumasalubong sa bagong taon ay matindi pa rin.

Noong nalamang nakaraang taon may ulat na Kahit bumaba ang bilang ng mga nagpaputok, mas lumala naman ang polusyon sa hangin, ayon sa Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang pamahalaan ay nagpapaaalala palagi na dapat iwas paputok na tayo para iwas disgrasya, marami kase ang napuputulan ng daliri ang ibay kamay pa nga kapag naaaksidenteng napuputukan ng mga malalakas na paputok.

Ngayoy binatayan maige ang mga nag bebenta ng mga bawal na paputok, may mga nakumpislahan at nakasuhan.

Ang DENR ay umapila rin dahil naman sa pulusyon sa hangin at ingay ganoon din ang banta sa kalusugan dulot ng fiecrackers at usok nito, ngunit tila parating hanggang sa paalala lamang ang nagagawa ng ahensiya, hindi nga kase total ban sa paputok ang umiiral kayat tuloy parin ang taon taong mausok at mabasurang pagsalubong ng bagong taon.

Sa ulat ng abscbn mataas na antas ng pulusyon sa hangin ang sumalubong ngayon sa bagong taon sa ilang lugar sa metro manila.

Llubhang dilikado sa kalusugan ang usok o polusyong hatid ng mga paputok, nagtataglay kase ito ng mga chemicals tulad ng barium nitrate , strontium, lithium, antimony, sulphur,potassium at aluminum.

Kapag na exposed tayo o nalanghap natin ang mga kemikals na nabanggit ay maaaring magdala ng iba't ibant sakit. Tulad ng Antimony sulphide at aluminium cause ito ng Alzheimer’s disease. Perchlorates, kumbinasyon ng potassium at ammonium ay maaaring magdulot ng lung cancer. Barium nitrate ang dahilan ng respiratory disorders, muscular weakness at maging ng gastrointestinal problem. Copper and lithium naman ay siyang cause ng hormonal imbalances .bukod sa tao ay masama rin ang epekto nito sa hayop at mga halaman.

Ang ingay naman buhat sa naglalakasang mga paputok ay masama rin, base kase sa pag aaral ang isang paputok ay nag aaverage ng noise level of 125 decibels pero ang level ng ingay na kaya lamang ng ating tenga na hindi nakakaapekto ay 85 decibels ibig sabihin may masama nang epekto sa ating tenga ang nililikhang ingay ng mga paputok na ito.

Samantalang ang iniiwang basura ng mga paputok na ito ay nagiging problema rin ganoon din ang mga basurang iniiiwan ng mga taong sama samang nagdiriwang sa mga lugar na itinatalaga ng mga lokal na pamahalaan tulad sa luneta na tonetoneladang basura ang iniwan.

Noong pasko ay ikinadismaya na rin ng (DENR) ang limampung tonelada ng basurang iniwan ng mga bumisita sa Luneta Park.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.