By Sentinel Times Staff January 25, 2020 Tayabas City - Pinangunahan ni Cong. Enverga ang turnover ceremony ng two-storey four-classroom...
January 25, 2020
Tayabas City - Pinangunahan ni Cong. Enverga ang turnover ceremony ng two-storey four-classroom building sa Tayabas West Central School III (TWCS III) mula sa proyekto ni Congresswoman Trina Enverga nitong Sabado, Enero 19, 2020 sa Brgy. Opias, Tayabas City.
Mahigit 183 na mag-aaral mula sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang ang makikinabang sa pasilidad na nagkakahalaga ng P12 milyon.
Ayon sa punongguro ng paaralan na si Dennis O. Labita, ang kinatatayuan ng paaralan ay bahagi ng Open Space ng Tuason Subdivision na may tinatayang sukat na 3,800 square meters na bahagi pa rin ng Government Service Insurance System (GSIS) property. Sa dahilang wala pang hawak na dokumento ng pag-aari ang paaralan ay hindi pa magamit ng mga guro at mag-aaral ang gusali. Nangako sa Cong. Enverga na tutulong siya upang maasikaso ang nasabing dokumento o titulo.
“Kaisa ng mga mag-aaral, mga guro at magulangin ng aming paaralan ay lubos ang aming pasasalamat sa butihing Congreswoman Trina Enverga at Cong. Mark Enverga sa ipinagkaloob na school building. Humihiling po ako na sana ay madagdagan pa ng isang school building ang paaralan dahil sa lomolobong populasyon at maliit na espasyo ng paaralan,” dagdag ni Labita.
Hindi naman nangako si Enverga ng three-storey building ang ibibigay ngunit ayon na rin sa kaniya ay higit na mainam kung ang itatayo ay tatlong palapag na gusali upang higit na mabigyan ng ginhawa ang mga mag-aaral.
Nagkaloob din si Enverga ng halagang P5k sa pamunuan ng Parents Teachers Association (PTA) ng TWCS III na gagamitin sa pag-papaayos ng baradong posonegro ng paaralan.
Nagkaloob din siya ng mga gamot at gamit sa Barangay Health Workers (BHW) ng Brgy. Opias gayundin ang isang set ng basketball ring, stand, at mga 2-way radio na magagamit ng mga Bantay-Bayan sa kanilang pagpapatrolya.
No comments