By Lolitz Estrellado January 25, 2020 BATANGAS CITY - Mahigit ang pangangailangan para sa pansamantalang resettlement sites ...
By Lolitz Estrellado
January 25, 2020
BATANGAS CITY - Mahigit ang pangangailangan para sa pansamantalang resettlement sites na maaaring paglipatan at matirahan ng mga evacuess na biktima ng Bulkang Taal sa gitna ng patuloy na pag-aalburuto nito.
Ito ang sinabi ni Batangas provincial governor Hermilando I. Mandas sa isang panayam dito noong Martes kaya naman agaran niyang iniutos ang pagtatayo ng interim resettlements sites sa malalaking parsela ng lupa na pag-aari ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas.
Ang iba pang opisyales ng lalawigan ay kasama ng gobernador sa pagpaplano at pagsasagawa ng resettlement sites project na ayon sa kanila ay gagamitin ng pre-fabricated materials upang mapabilis ang konstruksyon.
Ipanaliwanag ni Gov. Mandanas na ang pre-fabricated method ay mas mabilis sapagkat ang pagbuo ng mga pangunahing bahagi ng bahay o gusali ay isasagawa sa ibang lugar at pagkatapos ay saka dadalhin sa tamang lugar kung saan itatayo ang mga gusali.
"The method is deemed to be low-cost and faster than the regular method of construction. Ito ay isasagawa sa lalong madaling panahon," ayon pa sa gobernador.
Ang mga lugar na tinukoy kung saan itatayo ang temporary resettlement projects ay ang mga barangay Aguila sa bayan ng San Jose; Butucan Latag at Bilaran sa Nasugbu; Bulsa at Imelda sa San Juan; at Matamis, Calantas at Nasi sa Rosario.
Ayon sa pinag-usapang plano, ang mga interim resettlement sites ay gagawing dalawang (2) palapag (halfway houses) na yari sa mga pre-fabricated materials.
"Road network, drainage system, centralized kitchen, health and hygiene facilities at palaruan ng mga bata, well be part of the interim resettlement projects," dagdag na paliwanag ni Gov. Mandanas.
Aniya pa, sa pagkakaroon ng ganitong proyektong resettlement sites ay maiiwasan nang gamitin ang mga eskuwelahan bilang evacuation centers, na lubhang nakakaapekto sa mga batang mag-aaral.
Matatandaan na ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ay nagpahayag na ng pagtutol na gamiting evacuation centers ang mga schools, sapagkat nadi-displaced ang mga estudyante at apektado ang kanilang pag-aaral.
Inatasan na ni Gov. Mandanas ang iba pang opisyales ng pamahalaang panlalawigan na makipag ugnayan agad sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kinakailangang manpower at iba pang resources para sa nasabing proyekto.
No comments