January 4, 2020 BATANGAS CITY- Mahigit 500 inmates sa San Jose Sico Jail ang tumnaggap ng mga papaskong regalo noong December 30 mula sa...
BATANGAS CITY- Mahigit 500 inmates sa San Jose Sico Jail ang tumnaggap ng mga papaskong regalo noong December 30 mula sa Barako Fitness Group na binubuo ng mga zumba dancers sa Plaza Mabini.
Ang nasabing grupo ay hindi lamang mga zumba dancers kundi mga civic-spirited individuals na tumutulong sa mga kapospalad sa komunidad.
Ang mga inmate’s ay tumanggap ng mga items tulad ng tooth brush sabon, shampoo, sanitary napkins, bath at detergent soaps, biscuits, cereals, gatas, at kape.
Napili ng grupo na tulungan ang Sico inmates dahil marami anila sa mga nakakulong ay hindi nadadalaw ng kanilang mahal sa buhay kung kayat isa itong paraan na mabigyan ng kasiyahan ang mga preso sa Pasko.
Nagsagawa sila ng fund-raising- ang “Zumbarako Sayawan sa Pasko”- kung saan ang pondong nakalap ang siyang ginamit sa gift-giving. Nagbigay din ng tulong ang mga sponsors mula sa abroad.
Ayon kay Epoy Sison, president ng Barako Fitness Group Plaza Mabini, kada taon ay nag sosolicit sila at nagsasagawa ng fund-raising activities para sa kanilang mga proyekto na tulungan ang mga nangangailangan. Layunin ding nilang i promote ang healthy lifestyle.
Ayon sa isang inmate o person deprived of liberty, limang taon ng nakakulong at may kaso sa illegal drugs, “malaking tulong po ito sa amin lalo na po ako na malayo ang aking pamilya at hindi kaagad nila ako madalaw.”
Sinabi naman ni Jail Chief Inspector Glenn P. Sianquita na “nagpapasalamat ako sa Barako Fitness Group dahil sa pag bisita nila dito. Hindi lamang sila nakatulong, napasaya pa nila ang mga inmates.”
No comments