By Lyndon Gonzales January 11, 2020 Press Briefing. P/Lt. Col Alexis Oliver Nava Deputy Provincial Director for Operations (DPDO) ka...
January 11, 2020
LALAWIGAN NG QUEZON – Naging matagumpay ang kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Quezon. Ito ang iniulat ni Quezon Deputy PNP Director for Operation P/Lt. Col. Oliver Nava sa ginawang Media Briefings sa Campo Gen. Guillermo Nakar sa Lucena City nitong Enero 9.
Pinamunuan ni Quezon PNP Dir. P/Col. Audie Madrideo ang kampanya laban sa ilegal na droga noong buwan ng Enero hanggang Disyembre 2019. Ayon sa Accomplishment Report ng QPPO, nasa 2,883 gramo ng shabu ang nakumpiska habang 9,352.89 gramo ng Marijuana at 13,276.33 kilos ng cocaine ang nasabat na nagkakahalaga ng lahat P85,505, 952.05 milyong piso.
Mula sa 627 na barangay na laganap ang ilegal na droga, 52 barangay na lamang ang natitirang hindi pa Drug Cleared ngunit patuloy pa ring isinasagawa ang naturang kampanya. Mahigpit namang binabantayan ang mga karagatan ng Mauban, Burdeos, Panukulan, Jomalig at Perez, Quezon dahil dito nagmumula ang cocaine na nasasabat ng kapulisan.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ang mga kabilang sa listahan ng "most wanted persons" ng pulisya sa Rehiyon IV-A CALABARZON. Sa mga naaresto, 16 ay Regional wanted, 19 Provincial wanted at 303 mula sa iba’t ibang lungsod habang may iba pang mga naarestong 1,348 kaya nasa 1,745 lahat ang mga nadakip.
Dinampot ng mga tauhan ng kapulisan ang 78 na Bookies matapos maaktuhan na nagpapatakbo ng operasyon ng jueteng, 5 sa Fruit Games at 356 mula sa iba’t ibang klase ng sugal na may kabuoang 444 ang naaresto at umabot sa halagang P 290,072.00 libong piso ang narekober na pera.
Samantala, 539 ang timbog dahil sa umano ay paggamit ng mga pampasabog sa pangingisda, paggamit ng lambat na may maliliit na butas at panghuhuli sa malapit sa pampang at 126 naman ang naaresto sa Illegal Logging habang ang mga nakumpiskang kahoy ay nasa 56.8877 Board Feet.
Inanunsiyo ng QPPO na nakapagtala ng ‘zero casualty’ sa stray bullet o ligaw na bala sa nakalipas sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon. Ibinida rin ng kapulisan ang pagbaba ng bilang ng bilang ng crime volume ng 552 ngayong 2019 mula sa bilang na 7,524 noong taon 2018 at ng taon 2019 nasa 6,972 na lamang.
Press Briefing. P/Lt. Col Alexis Oliver Nava Deputy Provincial Director for Operations (DPDO) kaliwa, Police Major Lalaine Malapascoa Quezon Provincial Police Office (QPPO), Public Information Officer (PIO) habang iniuulat sa mga mamamahayag ang mga nasabat na ilegal na droga sa magkakasunod na operasyon ng kapulisan sa lalawigan ng Quezon. |

No comments