By Quezon-PIO January 25, 2020 Umali LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Inilatag sa isinagawang pagpupulong ng law enforcement unit ng ...
By Quezon-PIO
January 25, 2020
Umali |
Batay sa mga ulat ng mga nabanggit na ahensya isa sa kanilang tinututukan ay ang patuloy na pagsugpo at paglaban sa iligal na droga di lamang sa ating Lalawigan kundi maging sa bansa. Batay sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) mataas ang naitalang ulat ng halaga ng iligal na droga sa Lalawigan ang nasabat sa mga operasyon kontra iligal na drog. Mapapansin rin ang pagbaba ng crime rate sa Lalawigan na may higit sa anim na porsyernto.
Kaugnay nito naglatag naman ang naturang ahensya ng Pamahalaan ng isang programang “One Quezon Against Drug Addiction” na tututok sa patuloy na paglaban sa ipinagbabawal na gamot, mga indibidwal na nalululong sa bawal na droga at rehabilitation and reformation. Katuwang ng PNP at ang iba’t-ibang mga programang lalaban at susugpo sa kriminalidad na layong makamit ang Drug Free Quezon.
Bilang pagsunod sa mandato ng Presidente na Executive Order No.70, To End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) at pinamumunuan naman ni Governor Danilo E. Suarez patuloy ang pagtutok sa tinatawag na Provincial Task Force (PTF) – ELAC na katuwang ng Department of the Interior and Local Government at ibang sangay ng National Government upang masigurong masugpo ang maka-kaliwang grupo.
Samantala, ibinahagi rin sa naturang pagpupulong ang Provincial Developmental Concerns sa Lalawigan na may tinitingnang limang sectoral committee na kinabibilangan ng Social Development, Economic Development, Environmental and Land Use, Infrastructure Development and Institutional Development. Kung saan layon ng nabuong komitiba na bumuo ng programa at mga planong magbibigay ng pagunlad di lamang sa Lalawigan kundi para sa pagbubukas ng oportunidad sa mga Quezonian sa iba’t-ibang larangan ng paggawa.
Kasabay nito ay nais ng Pamahalaan ng Probinsya ng Quezon sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez na maihatid at maiparamdam sa ating mga kalalawigan ang bawat serbisyo at programa para sa mga mamamayan ng ating Lalawigan.
No comments